While welcoming the Philippines’ elevation to upper-middle-income status by the World Bank, Senate President Win Gatchalian stressed that the country’s new economic standing must translate into inclusive growth that creates more opportunities and lifts poor Filipinos out of poverty.
“The government’s priority should be to sustain inclusive economic growth by accelerating infrastructure development and ensuring that economic gains reach every Filipino through better-paying jobs, affordable basic goods, and stronger social protection. Walang Pilipino ang dapat maiwan sa pag-unlad,” Gatchalian said.
The country’s new classification, however, comes with trade-offs. As an upper-middle-income economy, the Philippines could gradually lose access to concessional loans from multilateral lenders, while some grant programs and development assistance may be phased out. The country could also eventually become ineligible for certain preferential trade programs.
Given such a consequence, the government should exercise more prudence in fiscal management and ensure better efficiency of foreign borrowings, Gatchalian emphasized.
“Ang pagiging upper-middle-income country ay isang mahalagang tagumpay para sa ating bansa, ngunit hindi ito dapat maging dahilan para maging kampante. Ito ay panibagong hamon upang tiyakin na ang pag-unlad ng ating ekonomiya ay tunay na nararamdaman ng bawat pamilyang Pilipino,” he added.
Gatchalian: Status ng Pilipinas Bilang Upper-Middle-Income Dapat Magdulot ng Mas Inklusibong Pag-Unlad
Bagama’t ikinalulugod ang pag-angat ng World Bank sa Pilipinas ng katayuang upper-middle-income, binigyang-diin ni Senate President Win Gatchalian na ang bagong pang-ekonomiyang katayuan ng bansa ay dapat magbunga ng inklusibong pag-unlad na lilikha ng higit pang mga oportunidad at mag-aangat sa mga mahihirap na Pilipino mula sa kahirapan.
“Ang prayoridad ng pamahalaan ay dapat mapanatili ang inklusibong paglago ng ekonomiya sa pamamagitan ng pagpapabilis ng pagpapatayo ng mga imprastraktura at pagtiyak na ang mga benepisyo ay makakarating sa bawat Pilipino sa pamamagitan ng mga trabahong may mas mataas na pasahod, abot-kayang pangunahing bilihin, at mas malakas na social protection program. Walang Pilipino ang dapat maiwan sa pag-unlad,” ani Gatchalian.
Gayunpaman, ang bagong klasipikasyon ng bansa ay may katumbas na mga kapalit. Bilang isang upper-middle-income economy, maaaring unti-unting mawalan ang bansa ng access sa mga concessional loans mula sa mga multilateral na institusyong nagpapautang, habang ang ilang mga grant programs at development assistance ay maaaring tuluyang alisin. Maaari ring kalaunan ay hindi na maging karapat-dapat ang bansa sa ilang preferential trade programs.
Dahil sa ganitong posibleng epekto, dapat maging mas maingat ang pamahalaan sa pamamahala ng pondo at tiyaking mas napapakinabangan nang maayos ang mga inuutang mula sa ibang bansa, diin ni Gatchalian.
“Ang pagiging upper-middle-income country ay isang mahalagang tagumpay para sa ating bansa, ngunit hindi ito dapat maging dahilan para maging kampante. Ito ay panibagong hamon upang tiyakin na ang pag-unlad ng ating ekonomiya ay tunay na nararamdaman ng bawat pamilyang Pilipino,” dagdag pa niya.
###