Aside from imposing a social media ban for minors amidst the rise of violence in the country’s schools, Senate President Win Gatchalian is reiterating his proposal to prohibit the use of smartphones and other electronic devices during class hours in both public and private schools.
Gatchalian’s call follows the suspension of on-site classes at a Batangas public school over a shooting threat. He recalled a foiled school attack in Laguna last February involving seven students allegedly recruited by foreign handlers through the online game Roblox.
Gatchalian made his proposal in the Electronic Gadget-Free Schools Act (Senate Bill No. 627), which would prohibit students from Kindergarten to Senior High School from using smartphones and other electronic gadgets in school.
The proposed measure, however, provides exemptions for educational purposes, such as classroom presentations and other teacher-directed learning activities. It also allows the use of mobile devices and other electronic gadgets for students with specific health conditions and during emergencies or other situations involving a perceived threat or danger.
“Maliban sa pagtiyak sa kaligtasan ng ating mga mag-aaral, isinusulong din natin ang smartphone ban sa mga paaralan upang matiyak nating nakatutok sila sa pag-aaral at hindi sila naaabala,” said Gatchalian.
Pagbabawal sa Smartphones sa Oras ng Klase Patuloy na Isinusulong ni Gatchalian
Bukod sa pagsusulong ng social media ban para sa mga menor de edad sa gitna ng tumitinding karahasan sa mga paaralan sa bansa, muling isinusulong ni Senate President Win Gatchalian ang kanyang panukalang ipagbawal ang paggamit ng smartphones, kabilang ang iba pang electronic devices sa oras ng klase sa mga pampubliko at pribadong paaralan.
Sinundan ng pahayag ni Gatchalian ang pagsuspinde ng face-to-face classes sa isang pampublikong paaralan sa Batangas dahil sa naiulat na banta ng pamamaril. Binalikan din ni Gatchalian ang napigilang pag-atake sa isang paaralan sa Laguna noong nakaraang Pebrero, kung saan pitong mag-aaral ang nasangkot at umano’y na-recruit ng mga foreign handlers sa pamamagitan ng online game na Roblox.
Inihain ni Gatchalian ang kanyang mungkahi sa ilalim ng Electronic Gadget-Free Schools Act (Senate Bill No. 627) na naglalayong ipagbawal sa mga mag-aaral mula Kindergarten hanggang Senior High School ang paggamit ng smartphones at iba pang electronic gadgets sa loob ng paaralan.
Ngunit may mga exemption ang panukalang batas para sa mga gamit na pang-edukasyon, tulad ng classroom presentations at iba pang learning activities na pinangungunahan ng guro. Pinapayagan din ang paggamit ng mobile devices at iba pang electronic gadgets para sa mga mag-aaral na may partikular na kondisyon sa kalusugan, gayundin sa panahon ng mga emergency o iba pang sitwasyong may banta o panganib.
“Maliban sa pagtiyak sa kaligtasan ng ating mga mag-aaral, isinusulong natin ang smartphone ban sa mga paaralan upang matiyak nating nakatutok sila sa pag-aaral at hindi sila naaabala,” ani Gatchalian.
# # #

Photo by Mark Cayabyab / OS WIN GATCHALIAN