Win Tayong Lahat

WIN sa balita

Gatchalian: PH Must Pursue Energy Transition Despite Easing Middle East Tensions

 Senate President Win Gatchalian said the Philippines should stay the course on its energy transition agenda despite easing Middle East tensions following the U.S.-Iran framework agreement.

According to Gatchalian, the country should not lose sight of the need to strengthen its long-term energy security by reducing its dependence on imported fossil fuels. 

To advance this goal, Gatchalian renewed his push for Senate Bill No. 366, or the Energy Transition Act, which he earlier filed to establish a national framework for energy transition. The measure promotes the adoption of clean energy sources, reduces reliance on fossil fuels, and delineates the responsibilities of government agencies in implementing transition policies in the transport and power sectors. 

“Kailangan nating mabawasan ang pagdepende ng bansa sa inaangkat na langis upang maprotektahan ang ekonomiya laban sa anumang posibleng panibagong oil crisis o biglaang pagtaas ng presyo ng langis. Kaya mahalagang magkaroon tayo ng isang malinaw at maayos na energy transition plan,” Gatchalian said.  

Beyond bolstering energy security, an energy transition plan would help the Philippines meet its target of reducing and avoiding greenhouse gas emissions by 75% from 2020 to 2030 through its Nationally Determined Contribution (NDC). 


Gatchalian: Dapat Ipagpatuloy ang Energy Transition sa Kabila ng Paghupa ng tensyon sa Middle East 

Sinabi ni Senate President Win Gatchalian na dapat panatilihin ng Pilipinas ang direksyon nito sa agenda ng energy transition sa kabila ng paghupa ng tensyon sa Middle East kasunod ng framework agreement sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.

Ayon kay Gatchalian, hindi dapat mawala sa paningin ng bansa ang pangangailangang palakasin ang pangmatagalang seguridad sa enerhiya sa pamamagitan ng pagbabawas ng pagdepende nito sa mga inaangkat na fossil fuel.

Upang isulong ang layuning ito, muling hinimok ni Gatchalian ang pagpasa sa Senate Bill No. 366, o ang Energy Transition Act, na una na niyang inihain upang magtatag ng isang national framework para sa energy transition. Itinataguyod ng panukala ang paggamit ng mga malinis na pinagmumulan ng enerhiya, binabawasan ang pag-asa sa fossil fuel, at tinutukoy ang mga responsibilidad ng mga ahensya ng pamahalaan sa pagpapatupad ng mga patakaran sa transition sa mga sektor ng transportasyon at kuryente.

“Kailangan nating mabawasan ang pagdepende ng bansa sa inaangkat na langis upang maprotektahan ang ekonomiya laban sa posibleng panibagong oil crisis o biglaang pagtaas ng presyo ng langis. Kaya mahalagang magkaroon tayo ng isang malinaw at maayos na energy transition plan,” sabi ni Gatchalian.

Bukod sa pagpapalakas ng seguridad sa enerhiya, makatutulong din ang isang energy transition plan para maabot ng Pilipinas ang target nitong mabawasan at maiwasan ang greenhouse gas emission nang hanggang 75% mula 2020 hanggang 2030 sa pamamagitan ng Nationally Determined Contribution (NDC) nito.

###

Photo by Mark Cayabyab / OS WIN GATCHALIAN