Win Tayong Lahat

WIN sa balita

Statement of Sen. Win Gatchalian — June 3, 2026

Ilang araw nang nabinbin ang trabaho ng Senado dahil sa hindi pagkakaunawaan. Ngunit hindi ito maaaring magpatuloy.

Araw-araw, milyun-milyong piso mula sa buwis ng taumbayan ang ginagamit upang pondohan ang Senado. Karapatan nilang makita na ginagawa natin ang ating tungkulin at tinutugunan ang mga usaping mahalaga sa kanilang buhay.

Simple ang aking panawagan: sundin natin ang mga panuntunan, dumalo sa sesyon, at gawin ang ating trabaho.

Hindi ito usapin ng mayorya o minorya, kundi ng ating pananagutan sa sambayanang Pilipino.

Ngayon ang huling araw ng sesyon. Wala nang oras para sa pagkaantala. Marami pang mahahalagang usapin ang naghihintay ng aksyon.

Patuloy kong gagampanan ang aking tungkulin at umaasa akong maituon natin ang ating pansin sa mga Pilipinong umaasa sa atin.

Magtrabaho na po tayo.

###

Photo by Mark Cayabyab / OS WIN GATCHALIAN