Win Tayong Lahat

WIN sa balita

Majority Bloc Visits Quake-Hit Mindanao; Delivers Food, Cash Aid –Gatchalian

Senate President Pro Tempore Win Gatchalian was joined by fellow majority bloc senators in visiting earthquake-hit communities in Sarangani province and General Santos City to deliver food and cash assistance. 

The Senate visit, which includes Senators Erwin Tulfo, JV Ejercito, and Migz Zubiri, aims to assess the full extent of the damage caused by the recent magnitude 7.8 earthquake and ensure that immediate, targeted government intervention reaches the hardest-hit communities.

“Ang pangunahing layunin natin ngayon ay maihatid agad ang kinakailangang tulong sa mga apektadong komunidad. Nandito kami hindi lamang upang magdala ng ayuda kundi upang personal na alamin ang pangangailangan ng ating mga kababayan at matulungan silang makabangon,” he said. 

Gatchalian’s group turned over P2.5 million in cash assistance and sacks of rice to affected families in General Santos City and Sarangani Province, particularly in the municipalities of Alabel, Glan, Kiamba, Maasim, Maitum, Malapatan, and Malungon.

Earlier, the Senate majority bloc pledged to donate one month’s salary each to support relief and recovery efforts in communities devastated by the earthquake.

“The Senate majority bloc stands in solid commitment to ensure that national resources are mobilized swiftly to restore normalcy, repair vital infrastructure, and help every affected family recover as soon as possible,” Gatchalian ended.


Majority bloc Bumisita sa Mindanao; Naghatid ng Pagkain, Pinansyal na Tulong –Gatchalian

Sinamahan si Senate President Pro Tempore Win Gatchalian ng kanyang mga kasamahang senador mula sa majority bloc sa pagbisita sa mga komunidad na niyanig ng lindol sa lalawigan ng Sarangani at General Santos City upang maghatid ng pagkain at pinansyal na tulong.

Kasama ni Gatchalian sina Senador Erwin Tulfo, JV Ejercito, at Migz Zubiri upang suriin ang kabuuang lawak ng pinsalang dulot ng nagdaang magnitude 7.8 na lindol at matiyak na ang agarang tulong mula sa pamahalaan ay makakarating sa mga pinaka apektadong komunidad.

“Ang pangunahing layunin natin ngayon ay maihatid agad ang kinakailangang tulong sa mga apektadong komunidad. Nandito kami hindi lamang upang magdala ng ayuda kundi upang personal na alamin ang pangangailangan ng ating mga kababayan at matulungan silang makabangon,” ani Gatchalian.

Nag-abot ang grupo ni Gatchalian ng P2.5 milyong cash assistance at mga sako ng bigas sa mga apektadong pamilya sa General Santos City at lalawigan ng Sarangani, partikular na sa mga bayan ng Alabel, Glan, Kiamba, Maasim, Maitum, Malapatan, at Malungon.

Bago ito, nangako ang Senate majority bloc na magbibigay ng kanilang isang buwang sweldo para sa relief at recovery efforts sa mga komunidad na dumanas ng pinsala dahil sa lindol.

“Ang Senate majority bloc ay kaisa sa pagtiyak na ang national resources ng bansa ay mabilis na mapapakilos upang maibalik ang normal na daloy ng pamumuhay, makumpuni ang mga mahahalagang imprastraktura, at matulungan ang bawat apektadong pamilya na makabangon sa lalong madaling panahon,” pagtatapos ni Gatchalian.

###