As public schools welcome around 28 million learners for the opening of School Year 2026-2027, Senate President Pro Tempore Senator Win Gatchalian pressed the need to accelerate learning recovery.
Gatchalian reiterated that this school year offers the opportunity to strengthen the implementation of the Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program, which will give struggling learners access to tutorial sessions and help them catch up on mastering essential competencies.
The senator cited the historic P8.9 billion budget for the program, which seeks to support 6.7 million learners in Reading and 8.08 million learners in Math. The budget also provides for the hiring of 440,000 tutors.
The rollout of the three-term calendar also aims to strengthen the implementation of the ARAL Program. Each term will include an end-of-term block focused on remediation, enrichment, co-curricular activities, teacher training, and wellness breaks.
“Sa pagbubukas ng panibagong taon ng pag-aaral, kailangang tiyakin nating nabibigyan ng sapat na suporta ang bawat mag-aaral, lalo na ang mga nahihirapang makahabol sa klase. Sa pamamagitan ng ARAL program, mas mapapalakas ang pundasyon ng mga bata sa Reading, Math, at Science upang walang mapag-iiwanan sa pagkatuto,” said Gatchalian.
Pasukan sa mga Pampublikong Paaralan Simula Na; Learning Recovery Pinatututukan ni Gatchalian
Sa pagbubukas ng School Year 2026-2027 sa mga pampublikong paaralan, kung saan inaasahan ang pagpasok ng humigit-kumulang 28 milyong mag-aaral, pinatututukan ni Senate President Pro Tempore Senador Win Gatchalian ang maigting na pagpapatupad ng mga programa para sa learning recovery.
Muling binigyang-diin ni Gatchalian na sa taong ito, may natatanging oportunidad upang palakasin ang pagpapatupad ng Academic Recovery and Accessible Learning o ARAL Program. Layon ng naturang programa na suportahan ang mga nahihirapang mag-aaral sa pamamagitan ng mga tutorial sessions, bagay na makakatulong sa kanila na makahabol sa kanilang mga aralin.
Binalikan ng senador ang makasaysayang P8.9 bilyong pondo para sa programa ngayong taon. Gamit ang naturang pondo, inaasahang masusuportahan ang 6.7 milyong mag-aaral pagdating sa Reading, samantalang 8.08 milyong mag-aaral naman ang tutulungan pagdating sa Math. Saklaw din pondo ang pag-hire ng 440,000 tutors na tutulong sa mga mag-aaral.
Layunin din ng pagpapatupad ng three-term calendar ng Department of Education na palakasin ang ARAL Program. Bawat termino ay magkakaroon ng end-of-term block na nakatuon sa remediation, enrichment, mga gawaing co-curricular, pagsasanay ng mga guro, at wellness breaks.
“Sa pagbubukas ng panibagong taon ng pag-aaral, kailangang tiyakin nating nabibigyan ng sapat na suporta ang bawat mag-aaral, lalo na ang mga nahihirapang makahabol sa klase. Sa pamamagitan ng ARAL Program, mas mapapalakas ang pundasyon ng mga bata sa Pagbasa, Matematika, at Agham upang walang mapag-iiwanan sa pagkatuto,” ani Gatchalian.
###

Photo by Mark Cayabyab / OS WIN GATCHALIAN