Win Tayong Lahat

WIN sa balita

Gatchalian Pushes Stronger Anti-Bullying, Mental Health Programs as Classes Open Nationwide

As public schools welcome back some 28 million learners nationwide, Senate President Pro Tempore Win Gatchalian called for stronger enforcement of programs promoting mental health and addressing bullying in schools. 

The senator stressed that bullying remains a serious concern, noting that the Philippines continues to be tagged as the ‘bullying capital of the world.’ Results of the 2022 Programme for International Student Assessment (PISA) showed that one in three Filipino learners aged 15 experienced bullying at least once a week.

Gatchalian also cited EDCOM 2 findings showing that school bullying often escalates into coordinated physical violence and severe intimidation, leading some students to skip classes.

Under the 2026 national budget, P2.974 billion was allotted for the School-Based Mental Health Program and the creation of the Learner Wellness Division. This is in line with the implementation of the Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act (Republic Act No. 12080), which Gatchalian authored and sponsored.

“Habang patuloy nating tinutugunan ang krisis sa edukasyon, dapat din nating sugpuin ang bullying at palakasin ang mental health support para sa ating mga mag-aaral. Nakasalalay dito ang kanilang kaligtasan, kapakanan, at kakayahang matuto nang maayos sa loob ng paaralan,” Gatchalian said. 


Gatchalian: Isulong ang mga Programang Pang Mental Health, Pagsugpo sa Bullying 

Habang inaasahan ang pagbabalik-eskuwela bukas ng humigit-kumulang 28 milyong mag-aaral sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa, nanawagan si Senate President Pro Tempore Win Gatchalian ng mas maigting na pagpapatupad ng mga programa upang sugpuin ang bullying at itaguyod ang mental health ng mga mag-aaral.

Binigyang-diin ng senador na nananatiling seryosong suliranin ang bullying, kasabay ng patuloy na pagkilala sa Pilipinas bilang “bullying capital of the world.” Batay sa resulta ng 2022 Programme for International Student Assessment (PISA), isa sa bawat tatlong Pilipinong mag-aaral na 15-taong gulang ang nakaranas ng bullying ng isang beses kada linggo.

Binanggit din ni Gatchalian ang mga natuklasan ng EDCOM 2 na nagpapakitang ang bullying sa paaralan ay madalas nauuwi sa pisikal na karahasan at matinding pananakot, dahilan upang umiwas sa pagpasok sa klase ang ilang mag-aaral.

Sa ilalim ng 2026 national budget, P2.974 bilyon ang inilaan para sa School-Based Mental Health Program at sa pagtatatag ng Learner Wellness Division. Kaugnay ito ng pagpapatupad ng Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act (Republic Act No. 12080) na iniakda at isinulong  ni Gatchalian.

“Habang patuloy nating tinutugunan ang krisis sa edukasyon, dapat din nating sugpuin ang bullying at palakasin ang suporta sa mental health ng ating mga mag-aaral. Nakasalalay dito ang kanilang kaligtasan, kapakanan, at kakayahang matuto nang maayos sa loob ng paaralan,” ani Gatchalian.

###