Win Tayong Lahat

WIN sa balita

Gatchalian Extends Aid to Manila Fire Victims; Says Filipinos’ Struggles Must Come Before Political Noise

Senate President Pro Tempore Win Gatchalian personally extended rice assistance to victims of separate fire incidents in Manila, stressing that addressing the economic hardships faced by ordinary Filipinos must take precedence over political noise and distractions.

Gatchalian emphasized that public service should continue both inside and outside the halls of the Senate, especially at a time when many families are struggling to recover from displacement, rising costs of living, and daily financial challenges.

The senator turned over 3,100 bags of rice to 2,984 families displaced by the May 23 fire in San Nicolas, Manila. He also provided an additional 150 bags of rice to 134 families affected by a separate fire incident in Baseco, Manila on May 30, as well as to victims of previous fire incidents that occurred between February and May.

“As the recent events at the Senate are now behind us, let us now buckle down to work. Hindi na makakapaghintay ang ating mga mahihirap na kababayan. Ngayon na nila kailangan ng tulong,” Gatchalian said.

One of his key legislative priorities is addressing the continued rise in prices of basic commodities, which heavily affects low-income households.


Gatchalian Nagpaabot ng Tulong sa mga Biktima ng Sunog sa Maynila; Sinabing Dapat Unahin ang Kahirapan ng Pilipino Kaysa sa Ingay ng Politika

Personal na namigay ng tulong si Senate President Pro Tempore Win Gatchalian sa mga biktima ng magkakahiwalay na insidente ng sunog sa Maynila.

Binigyang-diin niya na ang pagtugon sa mga pang-ekonomiyang kahirapan ng mga ordinaryong Pilipino ay dapat mas pahalagahan kaysa sa ingay at mga panggugulo sa politika.

Binigyang-pansin ni Gatchalian na dapat magpatuloy ang paglilingkod sa bayan sa loob at labas man ng Senado, lalo na sa panahong marami ang pamilyang nahihirapang makabangon dahil sa kawalan ng tirahan, mataas na gastusin, at pang-araw-araw na hamong pinansyal.

Nagpamahagi ang senador ng 3,100 sako ng bigas sa 2,984 pamilyang nawalan ng mga tirahan dahil sa sunog noong Mayo 23 sa San Nicolas, Maynila. Nagbigay din siya ng karagdagang 150 sako ng bigas sa 134 na pamilyang naapektuhan ng isa pang sunog sa Baseco, Maynila noong Mayo 30, pati na rin sa mga biktima ng mga naunang sunog na naganap sa pagitan ng Pebrero at Mayo.

“Iwan na natin ang mga pamumulitika sa Senado at magpokus na sa trabaho. Hindi na makakapaghintay ang ating mga mahihirap na kababayan. Ngayon na nila kailangan ng tulong,” pahayag ni Gatchalian.

Isa sa kanyang mga pangunahing prayoridad ay ang pagtugon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, na labis na nakaaapekto sa mga pamilyang may mababang kita.


###

Photo by Mark Cayabyab / OS WIN GATCHALIAN