Win Tayong Lahat

WIN sa balita

Gatchalian Pushes Sufficient Tutors for ARAL Program Ahead of School Opening

With classes set to open on June 8, Senator Win Gatchalian urged the Department of Education (DepEd) to ensure that there will be enough tutors for the rollout of the Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program. 

The 2026 national budget has allotted P8.9 billion for the implementation of the ARAL Program this year, which is expected to support 6.7 million learners in Reading and 8.08 million learners in Mathematics. The allocation also seeks to engage 440,000 tutors. 

The Second Congressional Commission on Education (EDCOM II),  however, recently flagged delays in the hiring of ARAL Program tutors. Among the challenges raised are delays in the release of guidelines and funds for the hiring of external tutors, which led to reliance on volunteer tutors. The EDCOM II also flagged the non-implementation of the ARAL Summer Program for grade levels without volunteers. 

“Hindi sapat na maglaan lang tayo ng pondo para sa ARAL Program. Kailangang tiyakin din natin na may sapat at handang mga tutor, lalo na’t ang papel nila ang isa sa pinakamahalaga para sa tagumpay ng programa,” Gatchalian said. 


Sapat na Bilang ng ARAL Program Tutors Pinatitiyak ni Gatchalian Bago Magbukas ang Klase 

Ilang araw bago magbukas ang mga klase sa Hunyo 8, hinimok ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na tiyaking may sapat na bilang ng mga tutor para sa pagpapatupad ng Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program.

Sa ilalim ng 2026 national budget, inilaan ang P8.9 bilyon para sa pagpapatupad ng naturang programa ngayong taon. Inaasahang makikinabang dito ang 6.7 milyong mag-aaral pagdating sa Reading at 8.08 milyong mag-aaral pagdating sa Math. Layon din ng pondong ito na makapag-hire ng 440,000 tutors.

Ngunit binigyang-diin kamakailan ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II) na mayroong delay sa pagkuha ng mga tutor para sa ARAL Program. Kabilang sa mga hamong natukoy ang pagkaantala sa pagpapalabas ng mga guidelines at pondo para sa pagkuha ng mga external tutors, kaya umaasa ang mga paaralan sa mga volunteer tutors. Binanggit din ng EDCOM II ang hindi pagpapatupad ng ARAL Summer Program para sa mga grade levels na walang mga volunteers.

“Hindi sapat na maglaan lang tayo ng pondo para sa ARAL Program. Kailangang tiyakin din natin na may sapat at handang mga tutor, lalo na’t ang papel nila ang isa sa pinakamahalaga para sa tagumpay ng programa,” ani Gatchalian. 

###