With only a few days before the opening of School Year 2026–2027, Senator Win Gatchalian expressed confidence that the construction of new classrooms will gain significant momentum this year as the government moves to address the country’s massive classroom shortage.
Gatchalian recalled that under the 2026 national budget, P67.931 billion is allotted to construct classrooms, including technical vocational laboratories. This will build up to 24,527 classrooms, which will benefit up to 4.6 million learners. As of July 2025, the Department of Education (DepEd) estimated the classroom backlog at 147,000.
The senator also emphasized that the 2026 national budget allows more flexibility on classroom construction. While the Department of Public Works and Highways (DPWH) used to have the sole mandate to construct classrooms, a special provision in the 2026 national budget also allows the DepEd to enter a memorandum of agreement with local government units (LGUs), other government agencies, and civil society organizations to build the facilities.
“Kung mas maraming LGUs at iba’t-ibang sektor na makakatulong sa pagpapatayo ng mga silid-aralan, mas mapapabilis natin ang pag-abot sa target ngayong taon hanggang sa mapunan natin ang kakulangan sa mga silid-aralan,” Gatchalian said.
Gatchalian: Mas Mabilis na Pagpapatayo ng Mas Maraming Silid-Aralan Inaasahan Ngayong Taon
Ilang araw bago ang pagbubukas ng School Year 2026–2027, binigyang diin ni Senador Win Gatchalian na inaasahang mas bibilis ang pagpapatayo ng mga bagong silid-aralan ngayong taon, isang mahalagang hakbang upang tugunan ang malaking kakulangan ng mga classroom sa bansa.
Binalikan ni Gatchalian na sa ilalim ng 2026 national budget, P67. 931 bilyon ang inilaan para sa pagtatayo ng mga silid-aralan, kabilang ang mga laboratoryo para sa technical and vocational education. Inaasahang pakikinabangan ng 4.6 milyong mag-aaral ang hanggang 24,527 silid-aralan. Noong Hulyo ng nakaraang taon, sinabi ng Department of Education (DepEd) na umaabot sa 147,000 ang kakulangan sa mga silid-aralan sa bansa.
Binigyang-diin din ng senador na sa ilalim ng 2026 national budget, may flexibility na ang DepEd pagdating sa pagpapatayo ng mga silid-aralan. Dati, tanging ang Department of Public Works and Highways (DPWH) lamang ang may mandato na magtayo ng mga classroom. Ngunit sa ilalim ng special provision sa 2026 national budget, maaari na ring makipagkasundo ng DepEd sa mga lokal na pamahalaan (LGUs), iba pang ahensya ng gobyerno, at mga organisasyon ng civil society upang magpatayo ng mga pasilidad na ito sa pamamagitan ng memorandum of agreement.
“Kung mas maraming LGUs at iba’t ibang sektor na makakatulong sa pagpapatayo ng mga silid-aralan, mas mapapabilis natin ang pag-abot sa target ngayong taon hanggang sa mapunan natin ang kakulangan sa mga silid-aralan,” ani Gatchalian.
###

Photo by Mark Cayabyab / OS WIN GATCHALIAN