Win Tayong Lahat

WIN sa balita

Gatchalian Reiterates Call for P1,500 Monthly Subsidy for 5M Minimum Wage Earners Amid High Inflation

Senator Win Gatchalian reiterated his call for a P1,500 monthly subsidy for about 5 million minimum wage earners following a rapid increase in inflation last month, slower economic growth in the first quarter of the year, and forecasts of persistently high inflation. 

“Lest we forget, the country is still in a crisis amid all the political noise. Our people, particularly the vulnerable sectors, are suffering from high prices of basic commodities and need a little respite,” Gatchalian said.

He pointed out that the 7.2% inflation rate significantly eroded purchasing power. Using P1,000 in 2018 as the base value, purchasing power declined from P775.80 to P732.60 for the total population, and from P773.40 to P715.82 for the bottom 30% of the population.

Gatchalian said the subsidy would not only ease the financial burden on minimum wage earners but also boost domestic consumption and help stimulate the economy.  

“Malaking bahagi ng sweldo ng mga minimum wage workers ang napupunta sa pang-araw-araw na gastusin kagaya ng pagkain at pamasahe. Kailangan natin silang tulungang malagpasan ang krisis na patuloy nating hinararap,” he added.

The P1,500-per-month subsidy is one of the recommendations of the Senate PROTECT ad hoc panel. If approved, the subsidy is expected to cost the government P7.5 billion per month. 


Gatchalian Muling Nanawagan para sa P1,500 Buwanang Subsidiya sa Minimum Wage Earners sa Gitna ng Mataas na Inflation

Muling ipinahayag ni Senador Win Gatchalian ang kanyang panawagan para sa P1,500 buwanang subsidiya para sa humigit-kumulang 5 milyong minimum wage earners kasunod ng mabilis na pagtaas ng inflation noong nakaraang buwan, mas mabagal na paglago ng ekonomiya sa unang quarter ng taon, at ang inaasahang patuloy na pagtaas ng inflation.

“Baka makalimutan natin, nasa krisis pa rin ang bansa sa gitna ng lahat ng ingay sa politika. Ang ating mamamayan, partikular ang mga bulnerableng sektor, ay nagdurusa sa mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin at nangangailangan ng kaunting pahinga,” ani Gatchalian.

Binigyang-diin niya na ang 7.2% na inflation rate ay labis na nagpababa sa purchasing power. Kung gagamitin ang P1,000 noong 2018 bilang batayang halaga, ang purchasing power ay bumaba sa P732.60 mula P775.80 para sa pangkalahatang populasyon, at bumaba sa P715.82 mula P773.40 para sa pinakamahirap na 30% ng populasyon.

Sinabi ni Gatchalian na ang subsidiya ay hindi lamang magpapagaan sa pasanin sa pananalapi ng mga minimum wage earner, kundi magpapasigla rin sa lokal na pagkonsumo at tutulong sa paglago ng ekonomiya.

“Malaking bahagi ng sweldo ng mga minimum wage workers ang napupunta sa pang-araw-araw na gastusin kagaya ng pagkain at pamasahe. Kailangan natin silang tulungang malagpasan ang krisis na patuloy na hinaharap,” dagdag pa niya.

Ang P1,500 kada buwan na subsidiya ay isa sa mga rekomendasyon ng Senate PROTECT ad hoc panel. Kung maaaprubahan, inaasahang aabot sa P7.5 bilyon kada buwan ang magiging gastos nito sa pamahalaan. 

###

Photo by Mark Cayabyab / OS WIN GATCHALIAN