Win Tayong Lahat

WIN sa balita

Gatchalian Pushes GINHAWA Bill to Ease Tax Burden on Micro Businesses Amid High Oil Prices

Senator Win Gatchalian is pushing to ease the tax burden on micro businesses through the GINHAWA measure amid continuing economic uncertainty brought about by the Middle East tensions and high oil prices.

“Kapag pinagaan natin ang buwis ng maliliit na negosyo, mas mapapalago nila ang kanilang kabuhayan at masisiguro ang tuloy-tuloy nilang kita at trabaho para sa kanilang mga empleyado,” said Gatchalian, vice chairperson of the Senate Committee on Ways and Means.

The proposed GINHAWA measure, or the Granting Increase in Take-Home Pay for All Working Filipinos Act, allows an additional deductible expense equivalent to 50% of labor expenses incurred by micro-entrepreneurs that include sari-sari stores, carinderias, laundry services, tailoring shops, food stalls, and small e-commerce businesses, among others.

He pointed out that lowering taxes would also encourage informal businesses to register, opening doors to bank loans and expansion in support of the country’s economy.

As per Republic Act No. 11976, or the Ease of Paying Taxes (EOPT) Act, micro taxpayers are those whose gross sales for the taxable year are less than P3 million.


Gatchalian Isinusulong ang GINHAWA Bill Laban sa Pagtaas ng Buwis ng Maliliit na Negosyo

Isinusulong ni Senador Win Gatchalian na mapagaan ang pasanin sa buwis ng mga micro businesses o ‘yung pinakamaliliit na negosyo sa pamamagitan ng panukalang GINHAWA, sa gitna ng patuloy na kawalan ng katiyakan sa ekonomiya dulot ng tensyon sa Gitnang Silangan at mataas na presyo ng langis.

“Kapag pinagaan natin ang buwis ng maliliit na negosyo, mas mapapalago nila ang kanilang kabuhayan at masisiguro ang tuloy-tuloy nilang kita at trabaho para sa kanilang mga empleyado,” ani Gatchalian, vice chairperson ng Senate Committee on Ways and Means.

Ang panukalang GINHAWA, o ang Granting Increase in Take-Home Pay for All Working Filipinos Act, ay nagpapahintulot ng karagdagang deductible expense na katumbas ng 50% ng labor expenses na kinakaharap ng mga micro entrepreneur. Kabilang dito ang mga sari-sari store, carinderia, laundry services, tailoring shop, food stall, maliliit na e-commerce businesses, at iba pa.

Binigyang-diin niya na ang pagpapababa ng buwis ay maghihikayat din sa mga tinaguriang informal businesses na magparehistro. Magbubukas ito ng mga pagkakataon para sa mga bank loans at magpapalawak ng negosyo na makakatulong sa ekonomiya ng bansa.

Alinsunod sa Republic Act No. 11976 o ang Ease of Paying Taxes (EOPT) Act, ang mga tinuturing na micro taxpayers ay ‘yung may kabuuang gross sales na mas mababa sa P3 milyon sa loob ng isang taon.

###

Photo by Mark Cayabyab / OS WIN GATCHALIAN