Win Tayong Lahat

WIN sa balita

Gatchalian Urges SSS, GSIS to Extend Loans for Members to Acquire E-Vehicles

Senator Win Gatchalian urged the Social Security System (SSS) and the Government Service Insurance System (GSIS) to extend loans to enable their respective members to acquire electric vehicles (EVs) amid high fuel prices.

He said such a move would significantly expedite the country’s transition to EVs and subsequently reduce the country’s dependence on imported fuel.

“Marami ang nagnanais na bumili ng EV, ngunit nahahadlangan ng mataas nitong presyo. Kung mayroong mga loan facility para sa pagbili ng EV, mas matutulungan ang ating mga kababayan na hirap na sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina at diesel” said Gatchalian.

The senator has been pushing for an accelerated transition to EVs amid volatile global fuel prices, noting that savings on fuel can help cover monthly car loan amortizations.

He said a more pervasive deployment of necessary infrastructure, such as charging stations, would encourage organizations and individual consumers to make the transition.

Also, the government should fast-track the transition of public utility vehicles (PUVs) to EVs through the PUV modernization program, he said. This would help insulate PUV drivers and operators from the fluctuations in fuel prices, he added.


Gatchalian Hinimok ang SSS, GSIS na Magpautang sa mga Miyembro para Makabili ng E-vehicle

Hinimok ni Senador Win Gatchalian ang Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS) na magbukas ng pautang o loan upang matulungan ang kanilang mga miyembro na makabili ng electric vehicle (EV) sa gitna ng mataas na presyo ng mga produktong petrolyo.

Ayon sa kanya, ang hakbang na ito ay makakatulong nang malaki upang mapabilis ang paglipat ng bansa sa paggamit ng mga EV at mabawasan ang pagdepende ng Pilipinas sa inaangkat na langis.

“Marami ang nagnanais na bumili ng EV, ngunit nahahadlangan ng mataas nitong presyo. Kung mayroong mga loan facility para sa pagbili ng EV, mas matutulungan ang ating mga kababayan na hirap na sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina at diesel,” ani Gatchalian.

Isinusulong ng senador ang mas mabilis na transisyon patungo sa mga EV dahil sa pabago-bagong presyo ng langis sa pandaigdigang merkado. Binigyang-diin niya na ang matitipid sa gasolina o diesel ay maaaring gamiting pambayad sa buwanang hulog ng loan para sa sasakyan.

Dagdag pa niya, ang mas malawak na pagpapatayo ng mga kinakailangang imprastraktura, gaya ng mga charging station, ay maghihikayat sa mga mamimili na lumipat sa EV.

Sinabi rin niya na dapat pabilisin ng pamahalaan ang paglilipat ng mga public utility vehicles (PUVs) sa mga EV sa pamamagitan ng PUV modernization program. Makakatulong ito upang maprotektahan ang mga driver at operator ng PUV mula sa madalas na pagbabago sa presyo ng petrolyo.

###

Photo by Mark Cayabyab / OS WIN GATCHALIAN