Senator Win Gatchalian is pushing to expand the Department of Transportation’s (DOTr) net service contracting program to ensure steady income for drivers of public utility vehicles (PUVs) as higher fuel prices continue to keep many off their usual routes.
The chair of the Senate Committee on Finance and the PROTECT ad hoc panel, Gatchalian, said he is ready to back the program with funding when Congress takes up a supplemental budget under the proposed Bayanihan 3 measure.
“Nakikita ko, this program is really meant to help the income of our drivers. Nagtatrabaho ang mga drivers at mayroon silang kinikita,” the senator said. The program is a government subsidy that pays PUV operators and drivers a fixed rate per kilometer, ensuring stable income regardless of passenger volume, while granting passengers a 20% fare discount. This performance-based system reduces operational risks from high fuel costs and covers thousands of routes nationwide.
While cash aid from the DSWD provides relief to PUV drivers, Gatchalian emphasized that the priority is to keep them on their regular routes, preventing transport disruptions and enabling them to earn.
Transportation Secretary Giovanni Lopez said the agency needs P5 billion to run the program for 2–3 months and stressed the need for LGU support. So far, the DOTr has allocated P740 million, enough for about 10 days.
Gatchalian Isinusulong ang Pagpapalawak ng Net Service Contracting para sa Kita ng PUV Drivers
Isinusulong ni Senador Win Gatchalian ang pagpapalawak ng programang net service contracting ng Department of Transportation (DOTr) upang matiyak ang matatag na kita ng mga driver ng public utility vehicles (PUV), habang patuloy na pinipigilan ng mataas na presyo ng langis ang marami sa kanila na bumiyahe sa kanilang mga nakasanayang ruta.
Bilang chairman ng Senate Committee on Finance at ng PROTECT ad hoc panel, sinabi ni Gatchalian na handa siyang suportahan ang pondo ng programa kapag tinalakay na ng Kongreso ang supplemental budget sa ilalim ng iminumungkahing batas na Bayanihan 3.
“Nakikita ko, ang programang ito ay talagang layong tulungang mapataas ang kita ng ating mga driver. Hindi lang sila basta naghihintay ng ayuda, kumikita sila sa pamamagitan ng pagtatrabaho,” ayon sa senador.
Ang programa ay isang subsidiya mula sa gobyerno na nagbabayad sa mga operator at driver ng PUV ng takdang halaga bawat kilometro. Sinisiguro nito ang matatag na kita anuman ang dami ng pasahero, habang binibigyan ang mga pasahero ng 20% diskwento sa pamasahe.
Ang sistemang ito na base sa performance ay nagbabawas sa panganib sa operasyon dulot ng mahal na krudo at sumasaklaw sa libu-libong ruta sa buong bansa.
Bagama’t ang ayuda mula sa DSWD ay nagbibigay ng ginhawa sa mga driver, binigyang-diin ni Gatchalian na prayoridad ang mapanatili sila sa kanilang mga regular na ruta upang maiwasan ang aberya sa transportasyon at hayaan silang kumita.
Ayon kay Transportation Secretary Giovanni Lopez, kailangan ng ahensya ng P5 bilyon para mapatakbo ang programa sa loob ng 2 hanggang 3 buwan at binigyang-diin ang pangangailangan ng suporta mula sa mga LGU. Sa ngayon, ang DOTr ay naglaan ng P740 milyon, na sapat lamang para sa humigit-kumulang 10 araw.
###
