Senator Win Gatchalian renewed his call for the executive department to suspend the diesel excise tax, urging swift action to ease the burden on vulnerable sectors as inflation surged to a three-year high of 7.2% in April.
He pointed out that while a significant acceleration in inflation data is bound to erode household incomes across the board, poor families are likely to suffer the most as they devote a considerable portion of their income to basic necessities, such as food, transport, and utilities.
“Nababawasan nang husto ang purchasing power ng mga mahihirap nating kababayan dahil sa mahal ng mga bilihin. Imbes na hayaan nating sumirit pa nang husto ang inflation, panahon na para alisin muna natin ang excise tax sa diesel,” said Gatchalian, adding that diesel is the ‘fuel of the masses,’ powering public utility vehicles (PUVs), agricultural logistics, and food transport.
Gatchalian earlier said Congress should institutionalize an automatic inflation-triggered fund support for social assistance programs to shield vulnerable families from the elevated cost of basic necessities, including fuel. He said such an initiative would enable the government to provide immediate financial relief to poor households. The initiative is among the measures recommended by the Senate PROTECT ad hoc panel, which he chairs.
Gatchalian Muling Ipinanawagan ang Pagbawas sa Buwis sa Diesel upang Maibsan ang Epekto ng Tumataas na Inflation
Muling nanawagan si Senador Win Gatchalian sa sangay ng ehekutibo na suspindihin ang excise tax sa diesel. Hinimok niya ang mabilis na pagkilos upang maibsan ang pasanin ng mga mahihirap na sektor ngayong sumipa ang inflation sa loob ng tatlong taon sa antas na 7.2% noong Abril.
Binigyang-diin niya na bagama’t ang mabilis na pagtaas ng inflation ay tiyak na magpapaliit sa kita ng lahat ng mga sambahayan, ang mga mahihirap na pamilya ang higit na magdurusa dahil malaking bahagi ng kanilang kita ay napupunta lamang sa mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, transportasyon, at kuryente o tubig.
“Nababawasan nang husto ang purchasing power ng mga mahihirap nating kababayan dahil sa mahal ng mga bilihin. Imbes na hayaan nating sumirit pa nang husto ang inflation, panahon na para alisin muna natin ang excise tax sa diesel,” ani Gatchalian.
Dagdag pa niya, ang diesel ay itinuturing na “fuel of the masses” na nagpapatakbo sa mga public utility vehicles (PUVs), logistics sa sektor ng agrikultura, at pagbibiyahe ng mga pagkain.
Nauna nang sinabi ni Gatchalian na dapat gawing institusyonal ng Kongreso ang isang awtomatikong pondo para sa social assistance na mag-a-activate tuwing tumataas ang inflation.
Layunin nito na protektahan ang mga mahihirap na pamilya mula sa mataas na presyo ng mga bilihin, kabilang ang gasolina. Aniya, ang ganitong inisyatiba ay magbibigay-daan sa gobyerno na makapaghatid ng agarang tulong pinansyal sa mga maralitang kabahayan. Ang hakbang na ito ay kabilang sa mga rekomendasyon ng Senate PROTECT ad hoc panel na kanyang pinamumunuan.
###
