Win Tayong Lahat

WIN sa balita

Labor Day: Gatchalian Pushes Revised Magna Carta for Public School Teachers

As the nation marks Labor Day, Senator Win Gatchalian renewed his push to amend the 59-year-old Magna Carta for Public School Teachers (Republic Act No. 4670), saying the long-overdue measure would strengthen the rights and welfare of the country’s almost 900,000 public school teachers.

The Revised Magna Carta for Public School Teachers (Senate Bill No. 363), which Gatchalian filed, aims to protect teachers’ security of tenure, prohibits them from performing non-teaching tasks, and shields them from out-of-pocket expenses. The bill also seeks conducive working conditions, prohibits understaffing and overloading of teachers, and protects them from unregulated class sizes.

The proposed measure further seeks to institutionalize benefits like calamity leave and longevity pay, among others. It also provides for the circumstances and conditions on the grant of special hardship allowances.

“Patuloy nating isinusulong ang pag-amyenda sa Magna Carta for Public School Teachers upang itaguyod ang kapakanan ng ating mga guro. Ilang dekada na ang lumipas mula noong naipasa ang batas na ito, panahon na upang tuparin natin ang mga pangako nito ,” said Gatchalian, Vice Chairman of the Senate Committee on Basic Education.


Pag-amyenda sa Magna Carta for Public School Teachers Patuloy na Isinusulong ni Gatchalian

Sa gitna ng pagdiriwang ng Labor Day, muling isinulong ni Senador Win Gatchalian ang kanyang panukalang batas upang amyendahan ang Magna Carta for Public School Teachers (Republic Act No. 4670). Ani Gatchalian, napapanahon na ang pag-amyenda sa Magna Carta, 59 taon mula noong una itong isabatas, upang patatagin ang karapatan at kapakanan ng halos 900,000 na mga public school teachers sa bansa.

Ilan sa layunin ng Revised Magna Carta for Public School Teachers (Senate Bill No. 363) na inihain ni Gatchalian ang pagtiyak sa security of tenure ng mga guro, hindi pagpapahintulot ng mga non-teaching tasks, at pagprotekta sa mga out-of-pocket expenses. Isinusulong din ng panukalang batas ang pagkakaroon ng mas maayos na kondisyon ng mga guro, pagbabawal sa understaffing at overloading sa hanay ng mga guro, at proteksyon mula sa unregulated class size.

Layon din ng naturang panukala ang pagiging institutionalized ng mga benepisyo tulad ng calamity leave, longevity pay, at iba pa. Itinatakda rin ng panukalang batas ang mga kondisyon sa pagbibigay ng special hardship allowance.

“Patuloy nating isinusulong ang pag-amyenda sa Magna Carta for Public School Teachers upang itaguyod ang kapakanan ng ating mga guro. Ilang dekada na ang lumipas mula noong naipasa ang batas na ito, panahon na upang tuparin natin ang mga pangako nito ,” ani Gatchalian, Vice Chairman ng Senate Committee on Basic Education.

###