Senator Win Gatchalian expects that the summer rollout of the Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program will lead to improvements in learners’ proficiency.
The Department of Education (DepEd) recently announced that it will conduct summer remediation programs for struggling learners from May 6 to June 3 this year. These programs are centered on the ARAL Program.
The ARAL Program received a historic P8.96 billion allocation under the 2026 national budget, according to Gatchalian, chairman of the Senate Finance Committee. The allocation targets to cover 6.7 million learners and engage 440,000 tutors nationwide.
“Mahalagang matiyak na tunay na maaabot ng ARAL Program ang mga mag-aaral na higit na nangangailangan ng tulong. Kapag epektibo natin itong naipatupad, magiging malaking hakbang ito sa pag-ahon natin mula sa krisis sa edukasyon,” said Gatchalian, author and sponsor of the Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program (Republic Act No. 12028).
To implement the remediation program, the DepEd also committed to provide learning resources, incentives for teachers, health support, and free meals for learners.
Gatchalian: Learning Recovery Aangat sa Pagpapatupad ng ARAL Program
Inaasahan ni Senador Win Gatchalian na aangat ang proficiency ng mga mag-aaral kasunod ng pagpapatupad ng Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program ngayong tag-init.
Inanunsyo kamakailan ng Department of Education (DepEd) na magsasagawa ito ng summer remediation programs para sa mga mag-aaral na nangangailangan ng tulong.
Nakatakdang ipatupad ang mga programa mula May 6 hanggang June 3 ngayong taon. Ayon pa sa kagawaran, nakasentro sa ARAL Program ang gagawing summer remediation.
Binigyang diin ni Gatchalian, Chairman ng Senate Committee of Finance, na nakatanggap ang ARAL Program ng makasaysayang P8.96 bilyon sa ilalim ng 2026 national budget. Target ng pondong ito na mabigyang saklaw ang 6.7 milyong mga mag-aaral at kumuha ng 440,000 na mga tutor.
“Mahalagang matiyak na tunay na maaabot ng ARAL Program ang mga mag-aaral na higit na nangangailangan ng tulong. Kapag epektibo natin itong naipatupad, magiging malaking hakbang ito sa pag-ahon natin mula sa krisis sa edukasyon,” ani Gatchalian, may akda at sponsor ng Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program (Republic Act No. 12028).
Tiniyak din ng DepEd ang suporta nito sa pagbibigay ng learning resources, insentibo para sa mga guro, suportang pangkalusugan, at libreng pagkain para sa mga mag-aaral.
###

Photo by Mark Cayabyab / OS WIN GATCHALIAN