Win Tayong Lahat

WIN sa balita

Gatchalian Renews Push for Waste-to-Energy Amid Navotas Landfill Fire

Senator Win Gatchalian renewed his push for the enactment of the proposed Waste-to-Energy (WTE) Act, following the week-long fire that engulfed the Navotas sanitary landfill, saying the incident underscores the urgent need for the country to have sustainable waste management solutions.

“Hindi na tayo maaaring manatiling nakaasa sa mga tambakan ng basura na naglalagay sa panganib sa mga komunidad at sumisira sa kalikasan. The current practice is not addressing the waste issue and we need to look at other technologies such as WTE,” Gatchalian said.

Smoke emissions from a massive fire at the Navotas landfill facility that lasted for more than a week worsened local air pollution, pushing air quality to unhealthy levels.

Gatchalian, author of the proposed measure and vice-chair of the Senate Energy Committee, has been pushing for the passage of the Waste-to-Energy Act, which seeks to establish a regulatory framework for facilities that will process municipal solid waste into usable energy through environmentally sound technologies.

The proposed legislation allows local government units to adopt WTE technology when deemed feasible and suited to their specific needs, while keeping LGUs primarily responsible for waste management in the country.


Gatchalian Ipinanawagan ang Waste-to-Energy Kasunod ng Sunog sa Navotas Landfill

Muling iginiit ni Senador Win Gatchalian ang pagpasa ng panukalang Waste-to-Energy (WTE) Act kasunod ng isang linggong sunog sa sanitary landfill sa Navotas, na aniya’y nagpapakita ng agarang pangangailangan para sa mas sustainable na solusyon sa pamamahala ng basura sa bansa.

“Hindi na tayo maaaring manatiling nakaasa sa mga tambakan ng basura na naglalagay sa panganib sa mga komunidad at sumisira sa kalikasan. Hindi sapat ang kasalukuyang sistema sa pagtugon sa problema sa basura kaya kinakailangan nating pag-aralan ang iba pang teknolohiya gaya ng WTE,” ayon kay Gatchalian.

Ang makapal na usok mula sa malawakang sunog sa pasilidad ng landfill sa Navotas na tumagal nang mahigit isang linggo ay lalo pang nagpalala sa polusyon sa hangin sa lugar, na nagdulot ng hindi ligtas na antas ng kalidad ng hangin.

Patuloy na isinusulong ni Gatchalian, may-akda ng panukalang batas at vice-chair ng Senate Committee on Energy, ang pagpasa ng Waste-to-Energy Act na naglalayong magtatag ng regulatory framework para sa mga pasilidad na magpoproseso ng municipal solid waste upang gawing kapaki-pakinabang na enerhiya gamit ang makakalikasan o environmentally-sound technologies.

Pinahihintulutan din ng panukalang batas ang mga lokal na pamahalaan na gamitin ang WTE technology kung ito ay angkop at naaayon sa kanilang pangangailangan, habang nananatiling pangunahing responsable ang mga LGU sa pamamahala ng basura sa bansa.

###

Photo by Mark Cayabyab / OS WIN GATCHALIAN