Win Tayong Lahat

WIN sa balita

Gatchalian Flags Mismatch: Many Science Teachers Lack Relevant Backgrounds

Senator Win Gatchalian raised concern over the high mismatch between the subjects taught and the college majors of high school science teachers, with 98% of Physical Sciences teachers and 80% of Biological Sciences teachers teaching outside their specialization, based on Second Congressional Commission on Education (EDCOM II) data. 

In Junior High School, 99% of Physical Sciences teachers and 47% of Science teachers have backgrounds not aligned with the subjects they teach. In Senior High School, the mismatch affects 98% of Physical Sciences teachers, 80% of Biological Sciences teachers, and 71% of Science teachers.

Among teachers of Grades 4 to 6, at least 98% reported teaching subjects that are not related to their college majors.

Moving forward, Gatchalian pressed for interventions such as teacher training and remediation for struggling learners. He also cited Senate Bill No. 1899, which gives DepEd flexibility to adopt the most effective approach in teaching the basic education curriculum. The measure, already approved on third reading, moves away from the spiral progression approach mandated under the K to 12 Law.

“Kung matibay ang Science, Technology, Engineering, and Math curriculum sa ating bansa, then we can create and develop more advanced technologies,” Gatchalian said. 


Pinuna ni Gatchalian: Karamihan sa mga Science Teachers Iba ang Pinag-aralan Noong Kolehiyo

Ikinababahala ni Senador Win Gatchalian ang mataas na porsyento ng mismatch o hindi pagkakatugma ng subject na itinururo ng mga high school science teachers sa mga kursong kinuha nila sa kolehiyo. 

Ayon kasi sa datos ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II), 98% ng mga Physical Sciences teachers at 80% ng mga Biological Sciences teachers ay nagtuturo ng mga subject sa labas ng kanilang specialization o pinag-aralan.

Sa Junior High School, 99% ng mga Physical Sciences teachers at 47%  ng mga Science Teachers ang kumuha ng mga kursong hindi tugma sa mga itinuturo nilang subject. Sa Senior High School naman, 98% ng mga Physical Sciences teachers, 80% ng mga Biological Sciences teachers, at 71% ng mga Science teachers ang nagtuturo ng mga subject na hindi tugma sa kanilang specialization.

Sa mga guro ng Grade 4 hanggang 6, hindi bababa sa 98% ang nag-ulat na nagtuturo sila ng mga subject na hindi batay sa kanilang kurso noong kolehiyo. 

Upang tugunan ang mga hamong ito, isinusulong ni Gatchalian ang mga hakbang tulad ng teacher training at remediation para sa mga nahihirapang mag-aaral. Tinukoy niya rin ang  Senate Bill No. 1899, kung saan pinahihintulutan ang Department of Education (DepEd) na gumamit ng paraan sa pagtuturo na ituturing na pinaka-epektibo sa pagpapatupad ng basic education curriculum. Dahil dito, hindi na magiging limitado sa spiral progression approach ang paraan ng pagtuturo gaya ng unang iminandato ng K to 12 Law.  Aprubado na ang panukalang batas sa ikatlong pagbasa sa Senado. 

“Kung matibay ang Science, Technology, Engineering, at Math o STEM curriculum sa ating bansa, pwede na tayong makabuo ng mas advanced pang mga teknolohiya,” ani Gatchalian.

###

Photo by Mark Cayabyab / OS WIN GATCHALIAN