Senator Win Gatchalian urged the Department of Transportation (DOTr) and the Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) to overhaul the list of public utility vehicle (PUV) drivers to fast-track the distribution of financial aid and ensure that targeted beneficiaries receive the support intended for them.
Gatchalian asked the agencies to submit a concrete plan for a centralized, automated database of PUV drivers to ensure that driver identities are verified and to reduce reliance on manual submissions by operators.
Based on data from the Senator’s Office, the Fuel Subsidy Program targets almost 1.43 million transport sector beneficiaries: 1.18 million operators and around 245,000 drivers nationwide. However, as of April 8, 2026, only 200,982 have received assistance out of the 1,425,669 target, reflecting only a 14.1% accomplishment rate. Of this, 15.6% are operators and 6.8% are drivers. As of April 13, Gatchalian said only 45% of targeted beneficiaries have received financial aid from the government.
“Napakatagal. I find it so slow. You have to find a way to make sure that our drivers get the subsidy. Kung patay na ang kabayo, ano pa’ng gagawin natin sa fuel subsidy?” the senator asked at a recent hearing conducted by the Senate PROTECT Committee.
Gatchalian Hinimok ang DOTr, LTFRB na Ayusin ang Listahan ng mga PUV Drivers Para Mapabilis ang Ayuda
Hinimok ni Senador Win Gatchalian ang Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na i-overhaul o ayusin ang listahan ng mga driver ng public utility vehicle (PUV) upang mapabilis ang pamamahagi ng tulong pinansyal at matiyak na ang mga tamang benepisyaryo ang makakatanggap ng suportang nakalaan para sa kanila.
Hiniling ni Gatchalian sa mga ahensya na magsumite ng konkretong plano para sa isang centralized at automated na database ng mga PUV driver upang matiyak na nabeberipika ang pagkakakilala o identity ng mga ito at mabawasan ang pagdepende sa mga pisikal na pagsusumite mula sa mga operator.
Batay sa datos ng opisina ng Senador, target ng Fuel Subsidy Program ang halos 1.43 milyong benepisyaryo sa sektor ng transportasyon: 1.18 milyong operator at humigit-kumulang 245,000 na mga driver sa buong bansa. Gayunpaman, nitong Abril 8, 2026, may 200,982 lamang ang nakatanggap ng ayuda mula sa target na 1,425,669, na nagpapakita ng 14.1% accomplishment rate lamang. Sa bilang na ito, 15.6% ay mga operator at 6.8% ay mga driver. Noong Abril 13, sinabi ni Gatchalian na 45% pa lamang ng mga target na benepisyaryo ang nakakuha ng tulong pinansyal mula sa gobyerno.
“Napakatagal. Kailangang gumawa ng paraan para masiguradong makakakuha ang ating mga driver ng subsidiya. Kung patay na ang kabayo, ano pa’ng gagawin natin sa fuel subsidy?” tanong ng senador sa mga ahensiya ng gobyerno na namamahala sa mga ayudang pangtransportasyon sa nagdaang pagdinig ng Senate PROTECT Committee.
# # #

Photo by Mark Cayabyab / OS WIN GATCHALIAN