Win Tayong Lahat

WIN sa balita

Gatchalian Pushes Stronger Reintegration for Returning OFWs Amid Middle East Conflict

Senator Win Gatchalian renewed his call to institutionalize support for returning overseas Filipino workers, urging the passage of the proposed Bagong Balikbayan Act amid the ongoing Middle East conflict. He stressed that every OFW deserves the opportunity to fully reintegrate into Philippine society after working abroad.

Gatchalian emphasized that institutionalizing a comprehensive and sustainable reintegration program for OFWs would ensure sufficient funding and mechanisms for seamless support in both crisis and non-crisis situations. Anticipating a prolonged Middle East conflict, the Department of Migrant Workers (DMW) is seeking an additional P2 billion this year for its Agarang Kalinga sa mga OFW na Nangangailangan (AKSYON) fund, primarily to repatriate distressed OFWs in the region.

The proposed long-term reintegration framework includes mapping skills to domestic labor market demands; targeted job placement programs; expanded access to affordable financing, such as low-interest loans, credit guarantees, and livelihood grants; and continuous upskilling.

“Ang pagsasabatas ng Bagong Balikbayan Act ay magbibigay ng maayos na transisyon para sa ating mga bagong bayani lalo na sa ganitong panahon ng krisis,” said Gatchalian, chair of both the Senate PROTECT and Finance Committees.

The DMW said the total number of repatriated OFWs has so far exceeded 4,000.


Gatchalian Isinusulong ang Mas Malakas na Reintegrasyon Para sa mga Nagbabalik na OFW

Muling nanawagan si Senador Win Gatchalian na gawing institusyonal ang suporta para sa mga nagbabalik na overseas Filipino workers (OFW). Hinimok niya ang pagpasa sa panukalang Bagong Balikbayan Act sa gitna ng patuloy na sigalot sa Gitnang Silangan. Binigyang-diin niya na bawat OFW ay nararapat na mabigyan ng pagkakataong ganap na makabalik at makapamuhay nang maayos sa Pilipinas pagkatapos magtrabaho sa ibang bansa.

Ayon kay Gatchalian, ang pagtatatag ng isang komprehensibo at napapanatiling programa para sa reintegrasyon ng mga OFW ay magtitiyak ng sapat na pondo at mekanismo para sa tuluy-tuloy na suporta, may krisis man o wala. Dahil sa inaasahang paghaba ng tensyon sa Middle East, humihiling ang Department of Migrant Workers (DMW) ng karagdagang P2 bilyon ngayong taon para sa Agarang Kalinga sa mga OFW na Nangangailangan (AKSYON) fund, na pangunahing gagamitin sa pagpapauwi ng mga distressed OFW sa rehiyon.

Ang panukalang pangmatagalang framework para sa reintegrasyon ay kinabibilangan ng mga sumusunod: pagtutugma ng kasanayan o skills mapping sa pangangailangan ng lokal na labor market; mga programa para sa tiyak na paghahanap ng trabaho o job placement; mas malawak na access sa abot-kayang pautang, tulad ng mga low-interest loans, credit guarantees, at livelihood grants; at patuloy na pagpapataas ng antas ng kasanayan o upskilling.

“Ang pagsasabatas ng Bagong Balikbayan Act ay magbibigay ng maayos na transisyon para sa ating mga bagong bayani lalo na sa ganitong panahon ng krisis,” ani Gatchalian, na tumatayong tagapangulo ng Senate PROTECT at Finance Committees.

Ayon sa DMW, lumampas na sa apat na libo ang kabuuang bilang ng mga napauwing OFW.

###

Photo by Mark Cayabyab/OS WIN GATCHALIAN