Win Tayong Lahat

WIN sa balita

Gatchalian to ERC: Temper Possible Power Price Surge for Consumers

Senator Win Gatchalian urged the Energy Regulatory Commission (ERC) to temper any potential sharp increases in electricity prices to help ease the financial burden on consumers amid soaring petroleum costs.

Gatchalian asked ERC Chairman Saturnino Juan about the potential rise in electricity prices, noting the country’s heavy reliance on coal and exposure to natural gas costs. In response, Juan said prices could increase by around P2 to P4 per kilowatt-hour.

“Bad timing kung isasabay ang pagtaas ng kuryente sa mataas na presyo ng langis. May power ang komisyon na i-apply on a staggered basis dahil magiging double whammy sa ating mga consumers. Our request is for ERC not to allow a one-time, big-time increase on electricity rates, kasi maraming mahihirapan talaga,” said Gatchalian, emphasizing that the electric power industry is a regulated sector.

For its part, the ERC said it is studying whether a process can be established requiring distribution utilities to submit their calculations to the Commission on a monthly basis before implementing any rate increases or adjustments. This would allow the ERC to better assess and manage the potential impact on a per distribution utility basis.


Gatchalian sa ERC: Pigilan ang Posibleng Pagtalon ng Presyo ng Kuryente 

Hinimok ni Senador Win Gatchalian ang Energy Regulatory Commission (ERC) na limitahan ang anumang potensyal na matinding pagtaas sa presyo ng kuryente upang makatulong sa pagpapagaan ng pasaning pinansyal ng mga mamimili sa gitna ng mabilis na pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Tinanong ni Gatchalian si ERC Chairman Saturnino Juan tungkol sa posibleng pagtaas ng singil sa kuryente, lalo na’t nakadepende nang malaki ang bansa sa coal at apektado rin ng presyo ng natural gas. Bilang tugon, sinabi ni Juan na maaaring tumaas ang presyo ng P2 hanggang P4 kada kilowatt-hour.

“Bad timing kung isasabay ang pagtaas ng kuryente sa mataas na presyo ng langis. May kapangyarihan ang komisyon na ipatupad ito nang hulugan o staggered basis dahil magiging double whammy ito sa ating mga consumers. Ang hiling namin sa ERC ay huwag payagan ang one-time, big-time na pagtaas sa singil ng kuryente, dahil marami talaga ang mahihirapan,” ani Gatchalian, habang binibigyang-diin na ang industriya ng kuryente ay isang sektor na may regulasyon.

Sa panig naman nito, sinabi ng ERC na pinag-aaralan na nila kung maaaring bumuo ng proseso kung saan oobligahin ang mga distribution utility na isumite muna ang kanilang mga kalkulasyon sa Komisyon buwan-buwan bago magpatupad ng anumang pagtaas o adjustment sa singil. Sa pamamagitan nito, mas masusuri at mapapamahalaan ng ERC ang magiging epekto sa bawat distribution utility.

 ###

Photo by Mark Cayabyab / OS WIN GATCHALIAN