Win Tayong Lahat

WIN sa balita

Gatchalian Calls for Prudent Budgeting Amid Global Economic Uncertainty

Senator Win Gatchalian has filed a resolution calling for prudent fiscal management in the implementation of the 2026 General Appropriations Act (GAA) given global economic uncertainties brought by the ongoing Middle East conflict.

“To cushion the impact of a massive fuel price hike triggered by the ongoing Middle East crisis on the 2026 GAA, government agencies and instrumentalities should revisit their spending plans, tighten their belts, and ensure their priorities reflect the needs of our countrymen,” said Gatchalian, chair of the Senate Committee on Finance, as he filed proposed Senate Resolution No. 349.

As the Philippines is extremely vulnerable to oil shocks, given that the country imports around 98% of crude oil from the Middle East, the local economy is expected to be impacted greatly by the ongoing conflict in the region, he pointed out.

While the President has already ordered government offices to strictly implement energy conservation measures, specific measures for a more prudent fiscal management are necessary to help mitigate the impact of the Middle East conflict on the domestic economy and on government revenues down the line, he said. 

# # #


Gatchalian Nanawagan para sa Maingat na Pagba-budget sa Gitna ng Kawalan ng Katiyakan sa Pandaigdigang Ekonomiya 

Naghain ng resolusyon si Senador Win Gatchalian na nananawagan para sa maingat na fiscal management sa pagpapatupad ng 2026 General Appropriations Act (GAA). Ito ay dahil sa kawalan ng katiyakan o ‘uncertainties’ sa pandaigdigang ekonomiya kasunod ng patuloy na hidwaan sa Gitnang Silangan. 

“Upang mapagaan ang epekto sa 2026 GAA ng malaking pagtaas sa presyo ng petrolyo na bunsod ng krisis sa Middle East, dapat suriing muli ng mga ahensya at sangay ng gobyerno ang kanilang mga plano sa paggastos at pagtitipid, at tiyaking ang kanilang mga prayoridad ay batay sa pangangailangan ng ating mga kababayan,” ani Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Finance, kasabay ng paghahain niya ng Proposed Senate Resolution No. 349.

Binigyang-diin ng sendor na dahil ang Pilipinas ay sadyang bulnerable sa mga oil shock, dahil nag-aangkat ang bansa ng halos 98% ng krudo mula sa Middle East, inaasahang malaki ang magiging epekto ng patuloy na gulo sa rehiyon sa lokal na ekonomiya.

Bagama’t nag-utos na ang Pangulo sa mga tanggapan ng gobyerno na mahigpit na ipatupad ang mga hakbang sa pagtitipid ng enerhiya, sinabi ni Gatchalian na kinakailangan ang mga partikular na hakbang para sa mas maingat na fiscal management. Makakatulong ito aniya upang maibsan ang epekto ng krisis sa Gitnang Silangan sa lokal ma ekonomiya at sa magiging kita ng gobyerno sa hinaharap. 

# # #

Photo by Mark Cayabyab / OS WIN GATCHALIAN