Win Tayong Lahat

WIN sa balita

Gatchalian Vows Sustained Funding to Boost Public Hospitals’ Capacity

Senator Win Gatchalian vowed to push for sustained and increased budgetary support to strengthen the capacity of public hospitals, ensuring more Filipinos gain access to quality, affordable healthcare. 

Gatchalian visited two Department of Health (DOH) hospitals to personally assess critical gaps in infrastructure, staffing, and other essential resources. During deliberations on the 2026 national budget, Gatchalian raised the alarm over severe overcrowding, noting that some DOH hospitals are already operating beyond capacity, with others exceeding 300%, underscoring the need for decisive government intervention. 

Gatchalian also pressed the need to rationalize government health financing mechanisms such as Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) reimbursements, medical assistance programs, and the Zero Balance Billing (ZBB) program. 

“Sa kabila ng mga hamong kinakaharap ng ating healthcare system, patuloy nating pagsisikapang magkaroon ng mas maraming hospital beds, mga healthcare professionals, at mga pasilidad para sa mga kababayan nating nangangailangan,” said Gatchalian, Chairman of the Senate Committee on Finance.

Under the 2026 national budget, P62.7 billion has been allotted for the implementation of ZBB in DOH hospitals. Selected local government units (LGU) hospitals also received P1 billion to support ZBB implementation.


Pangako ni Gatchalian: Patuloy na Pondo para Palakasin ang Kakayahan ng mga Pampublikong Ospital

Nanindigan si Senador Win Gatchalian na isusulong niya ang dagdag at tuloy-tuloy na pondo para sa pagpapatatag ng kapasidad ng mga pampublikong ospital, isang mahalagang hakbang para gawing mas abot-kaya ang dekalidad na serbisyong kalusugan para sa mga Pilipino. 

Personal na dumalaw si Gatchalian sa dalawang Department of Health (DOH) hospital upang suriin ang mga kakulangan sa imprastraktura at iba pang mga pangangailangan ng sektor ng kalusugan. Matatandaan na noong tinatalakay ang 2026 national budget, pinuna ni Gatchalian ang matinding siksikan sa mga ospital. Ayon sa senador, may ilang mga DOH hospitals na umabot na sa 300% ng kanilang kapasidad, isang hamong kailangang tugunan ng pamahalaan. 

Binigyang diin din ni Gatchalian ang pangangailangan para gawing mas simple ang mga mekanismo ng pamahalaan para pondohan ang mga programang pangkalusugan, kabilang ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) reimbursements, mga programa para sa medical assistance, at Zero Balance Billing (ZBB) program.

“Sa kabila ng mga hamong kinakaharap ng ating healthcare system, patuloy nating pagsisikapang magkaroon ng mas maraming hospital beds, healthcare professionals, at mga pasilidad para sa mga kababayan nating nangangailangan,” ani Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Finance.

Sa ilalim ng 2026 national budget, P62.7 bilyon ang inilaan para sa pagpapatupad ng ZBB sa mga DOH hospitals. Nakatanggap naman ng P1 bilyon ang ilang local government unit (LGU) hospitals para sa pagpapatupad ng ZBB. 

###

Photo by Mark Cayabyab / OS WIN GATCHALIAN