Senator Win Gatchalian called on the government to immediately implement aggressive belt-tightening measures, warning that the continuing conflict in the Middle East could pose serious risks to the country’s economic stability.
Volatilities that continue to impact the global oil market and the country’s heavy dependence on imported fuel make the country more vulnerable to downside risks, Gatchalian said.
Such belt-tightening measures could include energy-saving measures on top of the four-day workweek that many government agencies have begun to implement. He said the government could also devise an arrangement that would encourage carpooling and a return to virtual meetings adopted during the COVID-19 pandemic.
Government agencies, he added, should also limit official travel, suspend non-essential activities, or vehicle purchases and equipment upgrades that are not critical to conserve energy and reduce operational costs.
“Kailangan ng gobyerno na mas maghigpit pa ng sinturon dahil hindi natin alam kung kelan matatapos ang gulo sa Gitnang Silangan at magiging malaking dagok ito sa ekonomiya kung magpapatuloy ang kaguluhan doon,” the senator said.
“Anumang maliit na hakbang, kapag sama-sama nating ipinatutupad ay malaking ambag para sa kabuuang katatagan ng ekonomiya,” he added.
Gatchalian Nanawagan ng Agarang Paghihigpit ng Sinturon Dahil sa Banta ng Gulo sa Middle East sa Ekonomiya
Hinimok ni Senador Win Gatchalian ang pamahalaan na agad magpatupad ng mga agresibong hakbang sa pagtitipid, kasabay ng babala na ang patuloy na sagupaan sa Gitnang Silangan ay maaaring magdulot ng seryosong panganib sa katatagan ng ekonomiya ng bansa.
Ayon kay Gatchalian, ang pabago-bagong presyo sa pandaigdigang merkado ng langis at ang labis na pagdepende ng Pilipinas sa imported na krudo ang naglalagay sa bansa sa mas maselang sitwasyon.
Kabilang sa paghihigpit ng sinturon ang ilang energy-saving measures, bukod pa sa four-day workweek na sinimulan nang ipatupad ng maraming ahensya ng gobyerno. Sinabi ng senador, maaari ring bumuo ng plano ang pamahalaan upang isulong ang carpooling at ang pagbabalik sa mga virtual meeting na nakasanayan noong panahon ng pandemya ng COVID-19.
Dagdag pa niya, maaari ding limitahan ng mga ahensya ng gobyerno ang mga opisyal na biyahe, suspindihin ang mga aktibidad na hindi gaanong mahalaga, at ipagpaliban muna ang pagbili ng mga sasakyan o pag-upgrade ng kagamitan na hindi naman kritikal upang makatipid sa enerhiya at mabawasan ang gastos sa operasyon.
“Kailangan ng gobyerno na mas maghigpit pa ng sinturon dahil hindi natin alam kung kelan matatapos ang gulo sa Gitnang Silangan at magiging malaking dagok ito sa ekonomiya kung magpapatuloy ang kaguluhan doon,” anang senador.
“Anumang maliit na hakbang, kapag sama-sama nating ipinatutupad ay malaking ambag para sa kabuuang katatagan ng ekonomiya,” dagdag pa niya.
###
