Win Tayong Lahat

WIN sa balita

Gatchalian Wants Senate Inquiry on New Procurement Law to Protect Fiscal Integrity

Following landmark reforms he instituted in the budgeting process as chair of the Senate Committee on Finance, Senator Win Gatchalian has filed a resolution seeking an inquiry into the implementation of the new Government Procurement Act in a bid to promote integrity in the use of public funds.

Proposed Senate Resolution 336 calls for the need to assess the status of the new procurement law’s implementation in order to ensure the seamless transition to the new procurement procedures.

“It bears noting that a transparent, effective, and efficient government procurement system ensures that public funds are spent judiciously in order to maximize value for money in the delivery of public service and enhances accountability in the use of public funds,” Gatchalian emphasized.

“Kasunod ito ng mga repormang itinulak natin sa budget process sa gitna ng mga naging kontrobersiya sa paggamit ng pondo ng bayan, kabilang ang flood control projects. Malinaw ang layunin: palakasin ang transparency, higpitan ang disiplina sa paggastos ng pondo, at paigtingin ang monitoring ng mga proyektong pang imprastraktura,” he added. 

The new procurement law was enacted in July 2024 to enhance transparency, competitiveness, efficiency, accountability, and value for money, among others, in government procurement.


Gatchalian Gustong Siyasatin ang Bagong Procurement Law para sa Fiscal Integrity

Kasunod ng mga makasaysayang repormang ipinatupad niya sa proseso ng pagba-budget bilang chairperson ng Senate Committee on Finance, naghain si Senador Win Gatchalian ng isang resolusyon na humihiling ng pagsisiyasat sa pagpapatupad ng bagong Government Procurement Act upang itaguyod ang integridad sa paggamit ng pondo ng bayan.

Sa ilalim ng Proposed Senate Resolution 336, binibigyang-diin ang pangangailangang masuri ang katayuan ng implementasyon ng bagong batas sa procurement upang matiyak ang maayos na transisyon patungo sa mga bagong pamamaraan nito.

“Mahalagang tandaan na ang isang transparent, epektibo, at mahusay na sistema ng procurement ng gobyerno ay titiyak na ang pondo ng bayan ay ginagastos nang maayos upang masulit ang bawat piso sa paghahatid ng serbisyo publiko. Magpapalakas din ito ng pananagutan sa paggamit ng pondo,” diin ni Gatchalian.

“Kasunod ito ng mga repormang itinulak natin sa budget process sa gitna ng mga naging kontrobersiya sa paggamit ng pondo ng bayan, kabilang ang flood control projects. Malinaw ang layunin: palakasin ang transparency, higpitan ang disiplina sa paggastos ng pondo, at paigtingin ang monitoring ng mga proyektong pang-imprastraktura,” dagdag pa niya.

Ang bagong procurement law ay nilagdaan noong Hulyo 2024 upang paigtingin ang transparency, kompetisyon, pananagutan, at value for money, bukod sa iba pang mga layunin, sa mga pagbili at kontrata ng pamahalaan.

 ###

Photo by Mark Cayabyab/OS WIN GATCHALIAN