Senator Win Gatchalian called for the immediate release of fuel subsidies for farmers and fisherfolk amid the ongoing conflict in the Middle East which has caused fuel prices to surge dramatically.
Under the 2025 General Appropriations Act, a total of P75 million has been allotted to the Department of Agriculture for fuel assistance to farmers in relation to the use of postharvest facilities and other farm implements. Another P75 million in fuel subsidy for fisherfolk has been allotted to the Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR). Since these allocations have remained unutilized in 2025, the same funds could be disbursed as a continuing budget, Gatchalian stressed.
He added the government can also tap additional funding from the Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) if needed.
“A timely release of the subsidy would provide immediate financial relief to the country’s most vulnerable sectors amid expectations of higher operational costs,” said Gatchalian. He pointed out that fuel subsidies for farmers and fisherfolk would help ensure a stable supply and prices of basic food commodities.
“Kung matutulungan natin sa lalong madaling panahon ang ating mga magsasaka at mangingisda, magiging malaking bagay ito para masigurong maayos ang presyo at suplay ng pagkain sa bansa,” he said.
Gatchalian Hinimok ang Mabilis na Pamimigay ng Fuel Aid para sa mga Magsasaka, Mangingisda
Nanawagan si Senador Win Gatchalian para sa agarang pamimigay ng subsidiya sa langis para sa mga magsasaka at mangingisda sa gitna ng patuloy na tunggalian sa Middle East na nagresulta sa pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Sa ilalim ng 2025 General Appropriations Act, kabuuang P75 milyon ang inilaan sa Department of Agriculture para sa tulong sa langis ng mga magsasaka kaugnay ng paggamit ng mga postharvest facilities at iba pang kagamitang pansaka. Karagdagang P75 milyon naman na subsidiya rin sa langis para sa mga mangingisda ang inilaan sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Binigyang-diin ni Gatchalian na dahil nananatiling hindi nagagamit ang mga pondong ito sa taong 2025, maaari itong ipamahagi bilang continuing budget.
Dagdag pa niya, maaaring kumuha ang pamahalaan ng karagdagang pondo mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) kung kinakailangan.
“Ang maagang paglalabas ng subsidiya ay magbibigay ng kagyat na tulong pinansyal sa mga pinaka-apektadong sektor sa bansa sa gitna ng inaasahang pagtaas ng mga gastos sa operasyon,” ani Gatchalian. Punto pa niya, ang mga subsidiya sa langis para sa mga magsasaka at mangingisda ay makatutulong upang matiyak ang sapat na suplay at makatuwirang presyo ng mga pangunahing bilihing pagkain.
“Kung matutulungan natin sa lalong madaling panahon ang ating mga magsasaka at mangingisda, magiging malaking bagay ito para masigurong maayos ang presyo at suplay ng pagkain sa bansa,” saad niya.
###

Photo by Mark Cayabyab / OS WIN GATCHALIAN