Win Tayong Lahat

WIN sa balita

Gatchalian Warns of Possible Profiteering by Oil Companies, Retailers in Time of Crisis  

Senator Win Gatchalian urged the Department of Energy to strictly monitor retailers and oil companies for possible profiteering amid what he described as an “energy crisis” stemming from the escalating conflict in the Middle East.

Energy Director Rino Abad reasoned that the government has no control over the pricing of petroleum products due to the oil deregulation law. “I won’t take ‘no’ for an answer kasi inaabuso ang mga consumers,” Gatchalian quipped back. 

“Kaka-announce pa lang ng price increase sa world market pero ang ilang retailers ay nagtataas na agad ng presyo. This is profiteering. Hindi sila pwedeng magtaas agad dahil ang hawak nilang stocks ay nabili sa mas mababang presyo. They should sell at a reasonable price,” noted Gatchalian, vice chair of the Senate Committee on Energy.

The DOE earlier said that oil companies have an inventory of about 50 days, so they should not jack up pump prices that quickly.

Data from Gatchalian’s office show that from January to March 4, gasoline pump prices increased by 13.7%, from P55 to P62 per liter. Diesel prices rose by 41.4%, from P54 to P76 per liter, while kerosene prices went up by 43%, from P79 to P114 per liter. 

# # #


Gatchalian Nagbabala ng Posibleng Pananamantala sa Presyo ng Produktong Petrolyo 

Nanawagan si Senador Win Gatchalian sa Department of Energy (DOE) na higpitan ang pagbabantay sa mga retailer at oil companies laban sa posibleng profiteering o pananamantala sa presyo ng produktong petrolyo sa gitna ng tinatawag niyang “energy crisis” na dulot ng tensyon sa Middle East.

Sa isang pagdinig ng Senado, sinabi ni Energy Director Rino Abad na wala raw kontrol ang pamahalaan sa pagpepresyo ng mga produktong petrolyo dahil sa oil deregulation law kung saan walang direktang kontrol ang gobyerno sa presyo ng langis. Ngunit hindi kumbinsido dito si Gatchalian lalo na’t naaabuso ang mga konsyumer,” ayon sa senador.

“Kaka-announce pa lang ng price increase sa world market pero ang ilang retailers ay nagtataas na agad ng presyo. Isa itong profiteering. Hindi sila pwedeng magtaas agad dahil ang hawak nilang stocks ay nabili sa mas mababang presyo. Dapat ibenta nila ito sa makatuwirang presyo,” pagdidiin ni Gatchalian, na vice chair ng Senate Committee on Energy.

Nauna nang sinabi ng DOE na may imbentaryo ang mga oil company na tumatagal ng humigit-kumulang 50 araw, kaya hindi dapat agad-agad magtaas ng pump prices ang mga ito.

Batay sa datos mula sa tanggapan ni Gatchalian, mula Enero hanggang Marso 4 ay tumaas ng 13.7% ang presyo ng gasoline sa P62 mula P55 kada litro. Nakapagtala naman ang diesel ng pagtaas na 41.4% sa P76 mula P54 kada litro,  habang ang kerosene ay tumaas ng 43% sa mula P79 hanggang P114 kada litro. 

###

Photo by Mark Cayabyab / OS WIN GATCHALIAN