Win Tayong Lahat

WIN sa balita

Gatchalian: Public School Learners Set to Receive Complete Textbooks 

For the first time in history, public school learners from Kindergarten to Grade 12 will receive complete sets of textbooks, thanks to a P19.5 billion allocation in the 2026 national budget, Senator Win Gatchalian said. 

“Sa ilalim ng 2026 national budget, tiniyak nating wala nang mag-aaral ang kulang ang aklat. Kung dati ay ginagamit ng mahigit isang mag-aaral ang kada isang libro, hindi na ngayon,” said Gatchalian, Chairman of the Senate Committee on Finance.  

Gatchalian sought assurances from the Department of Education (DepEd), however, that the budget will be properly utilized. The senator pointed out that in 2025, the utilization rate for textbooks and other instructional materials was only at 14%. 

Dr. Carmela Oracion, Officer-in-Charge Undersecretary for Learning System, reported to the Senate Committee on Finance that the department has already conducted early procurement of textbooks amounting to P7 billion. These textbooks are intended for Grades 6, 9, and 10, which are the last sets needed for the full rollout of the MATATAG curriculum. 

The DepEd official added that the remaining P12 billion will be released to the regions. 


Gatchalian: Mga Mag-aaral sa Pampublikong Paaralan Makakatanggap na ng Kumpletong Textbooks

Makakatanggap na ng kumpletong set ng mga aklat ang mga mag-aaral sa pampublikong paaralan mula Kindergarten hanggang Grade 12 sa kauna-unahang pagkakataon, ayon kay Senator Win Gatchalian, matapos ilaan ang P19.5 bilyong pondo sa ilalim ng 2026 national budget.

“Sa ilalim ng 2026 national budget, tiniyak nating wala nang mag-aaral ang magkukulang sa aklat. Kung dati ay ginagamit ng mahigit isang mag-aaral ang bawat libro, hindi na ngayon,” ani Gatchalian, Chairman ng Senate Committee on Finance.

Gayunpaman, hiniling ni Gatchalian sa Department of Education (DepEd) na tiyaking magagamit nang maayos ang inilaang pondo para dito. Sabi ng senador, noong 2025 ay nasa 14% lamang ang utilization rate para sa mga textbook at iba pang instructional materials.

Iniulat naman ni Dr. Carmela Oracion, Officer-in-Charge Undersecretary for Learning System, sa Senate Committee on Finance na ngayon pa lang ay bumibili na ang kagawaran ng mga textbook na nagkakahalaga ng P7 bilyon.

Ang mga aklat na ito ay para sa mga mag-aaral sa Grades 6, 9, at 10, ang huling mga set na kinakailangan para sa ganap na pagpapatupad ng MATATAG curriculum. Dagdag pa ng opisyal ng DepEd, ang natitirang P12 bilyon ay ipapalabas sa mga rehiyon para sa distribusyon ng mga aklat.

 ###

Photo by Mark Cayabyab / OS WIN GATCHALIAN