Win Tayong Lahat

WIN sa balita

Gatchalian Eyes Automatic TES Grant for 4Ps High School Graduates

High school graduates from Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) households may soon be granted automatic eligibility for the Tertiary Education Subsidy (TES), a move that would fast-track college support for the country’s poorest students, Senator Win Gatchalian said.

Senate Bill No. 1894, which seeks to amend the Universal Access to Quality Tertiary Education Act or the free higher education law, has reached the Senate plenary for deliberation.

Aside from making 4Ps high school graduates automatically eligible for TES, the proposed measure also seeks the monitoring and quality assurance of the program’s implementation. This is to ensure that TES grants are received by qualified beneficiaries.

The proposed measure aligns with a special provision that Gatchalian proposed for the 2024 and 2025 national budgets, which seeks to address the declining share of beneficiaries from poor households. The 2024 and 2025 national budgets carried Gatchalian’s proposal to ensure that students from 4Ps households are prioritized as TES beneficiaries.

“Habang pinatitibay natin ang libreng kolehiyo, titiyakin nating prayoridad ang mga tunay na nangangailangang estudyante bilang mga benepisyaryo ng TES. Dapat masigurong tuloy-tuloy ang edukasyon nila,” said Gatchalian, Chairman of the Senate Committee on Finance. 


Gatchalian Isinusulong ang ‘Automatic TES Grant’ Para sa High School Graduates mula 4Ps 

Sumalang na sa plenaryo ng Senado ang isang panukalang batas na gawing automatic na kwalipikado sa Tertiary Education Subsidy (TES) ang mga high school graduates mula sa mga pamilyang bahagi ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), isang hakbang na ayon kay Senador Win Gatchalian ay magpapalawak ng suporta para sa mga pinakanangangailangang mag-aaral.

Nakasaad ang naturang panukala sa Senate Bill No. 1894 na layong amyendahan ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act o ang batas para sa libreng kolehiyo. 

Maliban sa awtomatikong kwalipikasyon sa TES para mga high school graduates mula 4Ps, isinusulong din ng panukalang batas ang monitoring at quality assurance para sa pagpapatupad ng programa. Ito ay upang matiyak na matatanggap ng mga kwalipikadong mga benepisyaryo ang mga TES grants.

Naaayon ang panukalang batas sa special provision na iminungkahi ni Gatchalian para sa national budget ng 2024 at 2025, kung saan tinutukan ang pagbaba ng porsyento ng mga TES beneficiaries mula sa mga nangangailangang pamilya. Naging bahagi ng 2024 at 2025 national budget ang panukala ni Gatchalian upang matiyak na ang mga mag-aaral mula sa mga pamilyang nasa ilalim ng 4Ps ay mabibigyang prayoridad talaga bilang mga benepisyaryo ng TES.

“Habang pinatitibay natin ang libreng kolehiyo, titiyakin nating prayoridad ang mga tunay na nangangailangang estudyante bilang mga benepisyaryo ng TES. Dapat masigurong tuloy-tuloy ang edukasyon nila,” ani Gatchalian, Chairman ng Senate Committee on Finance. 

###

Photo by Mark Cayabyab / OS WIN GATCHALIAN