Win Tayong Lahat

WIN sa balita

Gatchalian: Recent Typhoon Onslaught Exposes Urgent Need for RDC-Backed Infra 

The recent onslaught of Typhoon Basyang in the Visayas and Mindanao highlights the need for infrastructure, including flood-control projects duly reviewed and approved by Regional Development Councils (RDCs), Senator Win Gatchalian said.

“We should undertake infrastructure projects that were thoroughly scrutinized by RDCs concerned to ensure that such projects are implemented where they are most needed and can withstand adverse weather conditions,” Gatchalian said during his visit to Iligan City. 

“Dahil mas lumalakas ang mga bagyong tumatama sa bansa, kailangan nating tiyakin na maayos at matibay ang mga imprastrakturang itinatayo upang higit na maprotektahan ang ating mga kababayang pinaka-bulnerable sa kanilang hagupit,” he added. 

As chair of the Senate Committee on Finance, Gatchalian has maintained that to avoid misuse of public funds, no infrastructure projects should be implemented at the behest of politicians. Instead, infrastructure projects, including flood-control projects, should be thoroughly validated and endorsed by the RDCs concerned, the senator emphasized, noting that many projects without RDC backing have become problematic.

Meanwhile, Gatchalian turned over P825,000 in food aid for 29,223 families hit by ‘Basyang’ in Iligan City. The Office of Civil Defense reported at least 12 fatalities and 467,000 individuals affected across 850 barangays in the Visayas and Mindanao.


Babala ni Gatchalian sa Pananalasa ng mga Bagyo: Dapat may Basbas ng RDC ang mga Proyektong Imprastraktura 

Ipinapakita ng mga nagdaang malalakas na bagyo, tulad halimbawa ng bagyong Basyang na nanalasa sa Visayas at Mindanao, ang pangangailangan sa mga proyektong imprastraktura na dumaan sa pag-apruba ng mga Regional Development Council (RDC), ayon kay Senador Win Gatchalian.

“Dapat tayong magsagawa ng mga proyektong imprastraktura na masusing sinuri ng mga RDC upang matiyak na ang mga ito ay ipatutupad kung saan talaga kinakailangan at kayang tumayo sa matitinding kondisyon ng panahon,” ani Gatchalian sa kanyang pagbisita sa Iligan City.

“Dahil mas lumalakas ang mga bagyong tumatama sa bansa, kailangan nating tiyakin na maayos at matibay ang mga imprastrakturang itinatayo upang higit na maprotektahan ang ating mga kababayang pinaka-bulnerable sa kanilang hagupit,” dagdag niya.

Bilang chairperson ng Senate Committee on Finance, iginiit ni Gatchalian na upang maiwasan ang maling paggamit ng pondo ng bayan, hindi dapat ipatupad ang mga proyektong imprastraktura batay lamang sa kagustuhan ng mga pulitiko. Sa halip, dapat aniya na masusing beripikado at may malinaw na pag-eendorso ng mga kinauukulang RDC ang mga proyekto, kabilang ang flood-control projects. Binigyang-diin ng senador na marami sa mga proyektong walang basbas ng RDC ang nagiging problema. 

Samantala, nag-turn over si Gatchalian ng P825,000 na halaga ng pagkain bilang tulong para sa 29,223 na pamilyang naapektuhan ni ‘Basyang’ sa Iligan City. Ayon sa Office of Civil Defense, umabot sa 12 ang mga nasawi at 467,000 indibidwal ang naapektuhan sa 850 barangay sa Visayas at Mindanao. 

###

Photo by Mark Cayabyab / OS WIN GATCHALIAN