Win Tayong Lahat

WIN sa balita

Gatchalian: 2026 Budget Allocates Highest Budget for Medical Scholarship

The 2026 national budget has allocated the highest budget to date for the Medical Scholarship and Return Service (MSRS) Program, Senator Win Gatchalian said.

The MSRS will get P1.1 billion this fiscal year, the first time it breached the P1 billion mark. The funding will support 1,000 new medical scholars and continue supporting 2,869 current scholars training to become doctors.

The allocation aligns with the implementation of the Doktor Para sa Bayan Act (Republic Act No. 11509), which established the MSRS for deserving students in state universities and colleges (SUCs) or in partner private higher education institutions in regions where no SUCs offer medical courses.

Upon passing the Physician Licensure Examination, these medical scholars will serve in the public health system and render at least one year of return service for every scholarship year availed of.

 “Bahagi ng makasaysayang pondong pang-edukasyon ngayong taon ang scholarship para sa susunod na henerasyon ng mga doktor. Mahalaga ito upang matugunan ang kakulangan sa mga doktor at masiguro ang sapat na serbisyong medikal para sa bawat Pilipino,” said Gatchalian, Chairman of the Senate Committee on Finance. 


Gatchalian: 2026 Budget Naglaan ng Pinakamataas na Pondo para sa Medical Scholarship

Ayon kay Senador Win Gatchalian, inilaan ng pambansang budget para sa 2026 ang pinakamalaking pondo sa kasaysayan para sa Medical Scholarship and Return Service (MSRS) Program.

Makakatanggap ang MSRS ng P1.1 bilyon ngayong fiscal year, ang unang beses na lumagpas ito sa P1 bilyon. Susuportahan ng pondo ang isang libong bagong medical scholars at patuloy na susuportahan ang 2,869 kasalukuyang scholars na nagsasanay upang maging mga doktor.

Ang alokasyon ay nakaayon sa pagpapatupad ng Doktor Para sa Bayan Act (Republic Act No. 11509), na nagtatag ng MSRS para sa deserving students sa mga state universities and colleges (SUCs) o sa mga partner na pribadong higher education institutions sa mga rehiyon kung saan walang SUC na nag-aalok ng kursong medikal.

Kapag nakapasa sa Physician Licensure Examination, magsisilbi ang mga medical scholars sa public health system at magbibigay ng hindi bababa sa isang taon ng return service para sa bawat taon ng scholarship na kanilang natanggap.

“Bahagi ng makasaysayang pondong pang-edukasyon ngayong taon ang scholarship para sa susunod na henerasyon ng mga doktor. Mahalaga ito upang matugunan ang kakulangan sa mga doktor at masiguro ang sapat na serbisyong medikal para sa bawat Pilipino,” ani Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Finance.

 ###

Photo by Mark Cayabyab / OS WIN GATCHALIAN