The Department of Education’s (DepEd) engagement of local government units (LGUs) will speed up the construction of more classrooms and address the backlog of basic education facilities, Senator Win Gatchalian said.
The senator’s statement follows the signing of a memorandum of agreement (MOA) between the DepEd and provinces for a nationwide classroom building program. According to Gatchalian, the agreement is consistent with the 2026 national budget, which gives DepEd more flexibility when it comes to classroom construction.
The 2026 national budget provides that the DepEd may enter into a MOA with LGUs, civil society organizations, non-governmental organizations, and the Armed Forces of the Philippines (AFP) Corps of Engineers.
“Mahalagang hakbang ang pakikipagtulungan natin sa mga local government units upang makapagpatayo pa tayo ng mas maraming mga silid-aralan. Kung sabay-sabay na magpapatayo ang mga lokal na pamahalaan, mas marami tayong mapapakinabangang silid-aralan at unti-unti nating mapupunan ang kakulangan sa ating mga pasilidad,” said Gatchalian, Chairman of the Senate Committee on Finance.
The 2026 national budget allotted P65.9 billion for the construction, replacement, and completion of kindergarten, elementary, and secondary school buildings, including technical-vocational laboratories.
Gatchalian: Pagpapatayo ng mga Classroom Bibilis sa Tulong ng mga LGU
Pabibilisin ng maigting na ugnayan sa pagitan ng mga local government units (LGUs) at Department of Education ang pagpapatayo ng mga silid-aralan.
Ito ang naging pahayag ni Senador Win Gatchalian matapos lagdaan ng DepEd at mga lokal na pamahalaan ang isang memorandum of agreement kung saan nakasaad ang pagpapatupad ng isang nationwide classroom building program. Ayon kay Gatchalian, naaayon ang bagong kasunduan sa 2026 national budget na pinahihintulutan ang DepEd na gumamit ng iba’t ibang paraan sa pagpapatayo ng mga silid-aralan.
Sa ilalim ng 2026 national budget, maaaring pasukin ng DepEd ang kasunduan sa mga LGUs, civil society organization, non-governmental organization, at Armed Forces of the Philippines (AFP) Corps of Engineers.
“Mahalagang hakbang ang pakikipagtulungan natin sa mga local government units upang makapagpatayo pa tayo ng mas maraming mga silid-aralan. Kung sabay-sabay na magpapatayo ang mga lokal na pamahalaan, mas marami tayong mapapakinabangang silid-aralan at unti-unti nating mapupunan ang kakulangan sa ating mga pasilidad,” ayon kay Gatchalian, Chairman ng Senate Committee on Finance.
Umabot sa P65.9 bilyon ang inilaan sa ilalim ng 2026 national budget para sa pagpapatayo, pagpapalit, at pagkumpleto ng mga school buildings para sa kindergarten, elementary, at high school, kabilang ang mga technical-vocational laboratories.
###
