Win Tayong Lahat

WIN sa balita

Gatchalian: Power Subsidy for Poor Should Only Cover Basic Appliances

Gatchalian: Power Subsidy for Poor Should Only Cover Basic Appliances

Senator Win Gatchalian said the electricity lifeline program should cover only the energy costs of beneficiaries’ basic appliances. The program essentially covers beneficiaries of the Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

“The lifeline program is designed to subsidize essential appliances but not designed to pay for the beneficiaries’ electricity bill completely,” Gatchalian said during a recent Senate hearing.  

Gatchalian, the former chair of the energy committee, is the main author and sponsor of Republic Act 11552, which extended the lifeline rate subsidy for 50 years, ensuring long-term relief for low-income households.

Gatchalian emphasized that the program should benefit only qualified poor households. “Kapag ang consumption mo ay 20 kilowatt-hours per month, pwede ka nang maka-avail ng lifeline rate. Dati, consumption lang ang basehan. Kaya may mga condo na hindi naman natitirhan ng owners dahil may bahay sila sa ibang lugar, pero nakaka-avail pa rin,” he added. 

Qualified 4Ps beneficiaries under the lifeline rate program should have a monthly electricity consumption of 100 kWh or below to avail of discounts ranging from 20 to 100 percent in their Meralco electricity bills, depending on their actual consumption. 


Gatchalian: Subsidiya sa Kuryente Para sa Mahihirap Dapat Para sa Basic Appliances Lang 

Sinabi ni Senador Win Gatchalian na ang sakop ng electricity lifeline program para sa mga benepisyaryo o mahihirap na pamilya ay ang nakukunsumong kuryente lamang ng mga basic appliances nila. Ang pangunahing sakop ng programa ay mga pamilyang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

“Ang lifeline program ay dinisenyo upang magbigay ng subsidiya para sa mga pangunahing kasangkapan o basic appliances at hindi nito intensyon na bayaran nang buo ang electricity bill ng mga benepisyaryo,” paglilinaw ni Gatchalian sa nakaraang pagdinig ng Senado.

Si Gatchalian, na dating chairperson ng Senate Energy Committee, ang pangunahing may-akda at sponsor ng Republic Act 11552. Pinalawig ng batas na ito ang lifeline rate subsidy sa loob ng 50 taon upang matiyak ang pangmatagalang tulong sa mga pamilyang may mababang kita.

Binigyang-diin ni Gatchalian na ang programa ay dapat mapakinabangan lamang ng mga kuwalipikadong mahihirap. “Kapag ang consumption mo ay 20 kilowatt-hours per month, pwede ka nang maka-avail ng lifeline rate. Dati, consumption lang ang basehan. Kaya may mga condo na hindi naman natitirhan ng owners dahil may bahay sila sa ibang lugar, pero nakaka-avail pa rin,” paliwanag niya.

Ang mga kwalipikadong benepisyaryo ng 4Ps sa ilalim ng lifeline rate program ay dapat may buwanang konsumo ng kuryente na 100 kWh o mas mababa pa upang makakuha ng diskwento mula 20 hanggang 100 porsyento sa kanilang Meralco bill, depende sa kanilang aktwal na konsumo. ###

Photo by Mark Cayabyab / OS WIN GATCHALIAN