Win Tayong Lahat

WIN sa balita

Guideline sa scholarship renewal ng scholars ni Gatchalian

Matatapos na naman ang school year, at ang mga kasalukuyang scholars ni Valenzuela City Congressman Win Gatchalian ay kailangan paghandaan ang pag-renew ng kanilang scholarship para sa susunod na pasukan.

 

Para sa mga DSWD at CHED scholars, tandaan lamang ang mga guideline na ito sa pagre-renew ng inyong scholarships.

 

 

  1. Kapag nakapag-enrol na, ayusin ang mga requirements para sa renewal.

 

CHED Scholars DSWD Scholars
  • Certified true copy ng latest registration card
  • Certified true copy ng latest registration card
  • Certified true copy ng latest grade
  • Certified true copy ng latest grade
  • Photocopy ng school ID card
  • Photocopy ng school ID card
 
  • Barangay Indigency ng parents o guardian (for scholarship purposes) na nakalagay ang pangalan ng scholar.
  • * Kung ang scholar ay nasa edad 18 pataas, maaring ipangalan sa kanya ang Barangay Indigency.

  1. Pumunta sa Valenzuela City 1st District office ni Congressman Win Gatchalian para ipasa ang mga kinakailangang dokumento.

 

  1. Kapag naipasa na ang mga requirement, itatakda ang araw ng release ng stipend para sa DSWD scholar. Ipapasa naman ang mga dokumento ng mga CHED scholar sa Commission on Higher Education (CHED).

  1. Antayin ang tawag mula sa kawani ng district office tungkol sa status ng scholarship renewal. Malalaman din ang status sa Facebook Page ng Congressional Scholars sa www.facebook.com/WinTayosaEdukasyon.

 

  • Para sa mga DSWD scholar, ibibigay ang schedule kung kailan makukuha ang stipend.
  • Para sa mga CHED scholar, sasabihan kung may Notice of Award na.